Gretchen suportado si Dennis, Julia abala sa pagiging vlogger?
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - July 16, 2020 - 12:00am

Pino-promote ni Gretchen Barretto sa kanyang IG story ang Facebook show ni Dennis Padilla.

Yup, supportive si Gretchen sa ex ng sister niyang si Marjorie Barretto na tatay ni Julia na nakiisa sa ginanap na noise barrage sa ABS-CBN after na ibasura ang kanilang franchise.

Obviously, walang nagawa ang coronavirus pandemic para magkaayos-ayos ang magkakapatid na Barretto matapos nga ang matindi nilang away sa lamay ng kanilang ama last year.

Anyway, wala pang may idea kung anong decision ni Julia matapos nang ma-suspend ang contract ng lahat ng Kapamilya stars.

May producer naman diumanong interesadong kunin siya para sa isang show sa TV5 pero wala pa naman daw formal offer kay Julia.

Sa ngayon ay pagba-vlog din ang pinagkakaabalahan ng Kapamilya star.

Love Thy Woman, tapos na ang taping

Tapos na pala ang taping ng Love Thy Woman this week.

As in mga eksena na lang daw nina Kim Chiu, Yam Concepcion at Xian Lim ang kinukunan bago ang wrap up nito.

Luckily, wala umanong na-infect ng COVID sa taping ng Love Thy Woman at mabilis ang naging phasing ng mga eksena sa teleseryeng nangunguna sa iWant.

Na-packed up lang daw sila last week dahil nga sa allergy ni Kim nang makakain siya ng sushi na dala ni Xian sa set.

Pero mabilis naman daw nawala ang allergy ni Kim kaya the following day ay nakapag-taping na uli sila.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with