_pang-masa
^

Pang Movies

Agot tinawag ding anti-social, pakialamera

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hindi lang pala si Vivian Velez ang tinabla ni Isabel Rivas dahil pati si Agot Isidro, may paalala si Isabel at pinost ito ng aktres sa kanyang Facebook account. Kaya kung gusto ni Agot na mabasa at pati na rin ang reactions ng netizens ay kanyang mabasa, visit niya ang FB ni Isabel. “For ur perusal aggot maggot isidro!!! bawal mainggit sa gitna ng pandemia. Bawal pakialaman post ng iba sa wall nila, bawal din hindi ipost regalo ng kaibigang bisekleta para malaman nilang grateful sila. Bawal kang hindi uminom ng medicines mo para sa aggressive anti-social behaviours mo!!!”
  O, di  ba nakakaloka ang post ni Isabel.

Anway, sa word war nina Isabel at Vivian Velez, nabanggit ni Isabel na may naging ex-boyfriends sila ni Vivian na magkapatid. Sino kaya ang exes ng dalawa?

Kasama ring nabanggit ni Isabel na Vivian used to sleep sa bahay nila dahil naging very close nga silang dalawa dahil bukod sa parehong nasa showbiz, mag-utol pa ang naging former dyowa nila.

Dingdong pinag-Iingat

Ang back to work na post ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram story kahapon dahil nagsimula na siyang mag-resume ng taping ng Amazing Earth at sa July 26, muling mapapanood ang infotainment program na hino-host ni Dingdong.

Kay director Rico Gutierrez namin unang nalamang magti-taping na sila ng Amazing Earth at pinost pa nga nito ang mga dala niya sa taping, kasama ang anti-COVID kit na binigay sa kanya ng GF na si Alessandra de Rossi.

Sa IG pa rin ni Dingdong, makikita sa background ang GMA Network, ang ibig sabihin, sa taas ng building o baka condominium na malapit sa network ang taping nila o baka sa GMA Annex. Walang suot na face mask si Dingdong sa litrato at may paliwanag siya tungkol dito.

“I only remove my mask when I’m at home, and in a place where I am safe because it feels like home.”

Nag-comment ang isa sa bossing ng GMA Network na si Ms. Lilybeth Rasonable na mag-ingat si Dingdong at ang buong team ng Amazing Earth, at sagot ni Dingdong.

AGOT ISIDRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with