Anak ni Jericho, âdi feel ang showbiz
Santino
Anak ni Jericho, ‘di feel ang showbiz
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - July 15, 2020 - 12:00am

Kung makikitang magkasama ang mag-amang Jericho Rosales (40) at Santino Rosales (19) ay iisipin na magkabarkada lamang ang dalawa. Parehong guwapo, athletic at maganda ang pangangatawan nila. Ang kaibahan lamang ay ayaw pumasok sa showbiz ni Santino tulad ng kanyang ama.

Kahit iba ang napangasawa ng actor na si Jericho, ang Australian model, stylist, fa­shion designer, photographer and social media influencer na si Kim Jones, very close si Santino sa kanyang step-mom na kaibigan din ng kanyang mom, ang da­ting model-turned entrepreneur na si Kai Palomares.  There are even times na magkakasama silang kumakain na apat.

Ang surfing ay natutunan ni Santino sa kanyang ama but he is also into football.

At kapag parehong libre ang schedule nila ay magkasama sila sa surfing.

Just like his mom when she was younger, pinasok ni Santiago ang pagiging modelo  at age 16 at tatlong taon na rin niya itong ginagawa.

Si Santino ay nagtapos ng high school sa Colegio de San Agustin in Makati City in 2017  habang nasa 2nd year college naman siya sa pasukan  ng BS-Interdisciplinary Business Studies sa De la Salle University.

Since pareho silang foodie ng kanyang mom na si Kai, nagtayo ng restaurant ang mag-ina, ang Kaisaint na matatagpuan sa Doña Soledad Avenue in Parañaque na magkatulong din nilang mina-manage.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng baby ang actor na si Jericho at misis nitong si Kim Jones.

Melissa mag-isang binubuhay ang anak

Matagal nang hiwalay ang Star Circle Quest alumna na si Melissa Ricks sa ama ng kanyang almost six years old daughter na si Kiera, ang Fil-Japanese na si Charles Togezaki kaya mag-isang binubuhay ng actress ang kanyang anak sa tulong ng kanyang pamilya.

Bago si Charles, Melissa was in a relationship dati kina Matt Evans, Jake Cuenca, Jolo Revilla at ex-PBB housemate na si Paul Jake Castillo na mister na ng Kapamilya actress na si Kaye Abad.

Vic magkakaroon ng bagong apo

Malapit na namang madagdagan ang mga apo ni Vic Sotto dahil in a couple of months ay nakatakdang magsilang si Paulina Sotto-Llanes (kay Angela Luz) sa magiging first baby nila ng husband nitong si Jed Llanes.

Si Vic ay may anim nang apo sa dalawa niyang anak sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie na sina Danica at Oyo.

Dalawa kay Danica at mister nitong cager na si Marc Pingris at apat naman sa mag-asawang Oyo at actress na si Kristine Hermosa.

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with