Kapuso top actor hindi ramdam ang pandemic
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 15, 2020 - 12:00am

Naku, Ateng Salve, kung maraming mga artista ang umaaray ngayon at nagsasabing wala silang kinikita at problemado sila sa pagdating ng bills, may iba namang patuloy na sinusuwerte kahit pa may COVID-19 pandemic, huh!

Ang isa sa top actors ng Kapuso network, aba, kaliwa’t kanan pa rin ang trabaho, huh!

May nagtsika sa akin na may ilang endorsements daw na sisimulan na rin si Kapuso top actor. Actually, si Kapuso top actor ang bagong endorser ng isang vitamin brand at next week na ang shoot niya para sa bagong endorsement na ‘yon.

Inaayos na raw ang tungkol sa shoot na ‘yon dahil kailangan nga naman na siguraduhin ang lahat ng protocols ay masusunod dahil ‘yon ang pinakaimportante ngayong matindi pa rin ang pandemic, ‘noh?! So, ang bongga pa rin ni Kapuso top actor kahit pa may pandemic!

Aktres suko na sa buhay sa ‘Pinas, susubok sa Amerika

Tuloy na tuloy na pala ang pagma-migrate ng aktres na ito sa Amerika.

Naka-schedule na ang alis nila ng anak niya.

Sa ngayon, ibinebenta na ni aktres ang mga gamit niya dahil mukhang matatagalan silang mag-ina sa Amerika.

In fairness, magaganda ang mga gamit ni aktres, kaya maraming bumibiling mga kaibigan niya.

Marami rin sa mga kaibigan ni aktres ang nasa-sad dahil nga suko na si aktres sa buhay niya sa Phi­lippines dahil wala na talaga siyang work ngayon.

Walang income, kaya sa Amerika na lang muna maghahanap ng mapagkakakitaan si aktres.

Well, sana in the future kapag natapos na ang pandemic na ito ay maisipan pa rin ni aktres na bumalik pa rin sa Philippines at katulad ng kanyang pangalan ay mamulaklak pa uli ang kanyang career!

Marco Gallo nagkaraket matapos mawalan ng earpods

Ang bongga naman ng young actor na si Marco Gallo.

After niyang mawalan ng earpods sa taping ng isa niyang show at mai-post sa social media ang tungkol doon, aba,  suwerte at kinuha pala siyang endorser ng isang brand ng earpods, huh!

Naku, Ateng Salve, kung ako kaya ang mawalan ng isang bagay at i-post ko sa social media ang tungkol doon, kunin din kaya akong endorser ng ganoong produkto?

Anyway, ang bongga nga ni Marco dahil may ilang mga kaibigan pa siya na binigyan niya ng earpods dahil endorser na nga siya ng ganoong produkto, huh!

Hahaha! ‘Yun na!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with