Zsa Zsa
Zsa Zsa nakapiling ang 9 na baby
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

It’s good to see ang post ni Zsa Zsa Padilla sa kanyang Instagram na masaya kasama ang lovey niyang si Conrad Onglao sa kanilang Casa Esperanza forest garden, sa Lucban, Quezon.  Kasama nila ang mga alaga nilang nine (9) babies (dogs), na gustung-gusto raw sa kanilang forest garden, na green na green.  Pinuri naman ng best friend niyang si Megastar Sharon Cuneta ang forest garden.  Ipinagmalaki ni Zsa Zsa na hard work daw iyon ni Conrad, lalo na ang garden na malapit na ring matapos ang construction.

Kapag tapos na raw ang pandemic, tatanggap sila ng guests sa Casa Esperanza. Sa ngayon daw kasi ay closed pa rin lahat ang mga establishments sa Lucban.

Andre at Angela, mina-match

Bagay daw si Kapuso actor Andre Paras at ang upcoming Kapuso actress na si Angela Alarcon, matapos silang mapanood sa latest episode ng YouTube na Shout Out Andre. Bukod sa pag-arte, pareho palang sports-minded ang dalawa.

Kung si Andre ay ilang taon na ring Kapuso actor, kilala rin siya bilang isang basketball player ng UP at San Beda. Panganay na anak ng comedian-actor na si Benjie Paras si Andre.  Si Angela naman ay second daughter ng actor-politician na si Jestoni Alarcon.  Last March 10, 2020, Angela graduated cum laude with the degree in Speech Communications from the University of the Philippines Diliman. Isa ring martial arts expert si Angela.  With the blessing of her dad, pumasok na rin sa showbiz si Angela, habang nagtatapos siya ng studies niya. Naka-appear na rin si Angela sa ilang shows ng GMA Network.

Sa kanilang panayam, mas nakilala ni Andre ang kanyang kapwa showbiz royalty at nagkumustahan silang dalawa tungkol sa kanilang mga pinagkakaabalahan ngayong quarantine, gayun na rin sa kani-kanilang YouTube channel. Parehong single ang dalawa.

Napapanood naman si Andre ngayon sa replay ng epicserye na Encantadia gabi-gabi sa GMA-7 after ng 24 Oras.

ZSA ZSA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with