^

Pang Movies

Mga nakaipong artista, hindi natataranta!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hanga naman ako sa mga artista ng Channel 2 na nagpahayag na hihintayin muna nila ang mga plano ng istasyon bago sila gumawa ng sariling move. Dapat talaga huwag mag-panic, dito nga papasok kung hindi masyadong gipit sa pera, tiyak makapag-hihintay. Problema lang iyon walang ipon, iyon gipit, dahil matataranta sa paghahanap agad ng income, pambayad-utang siyempre.

Hay naku, marami nga ang call a friend, for grocery, pero kung may ipon, meron pa rin nadudukot.

‘Ang gulo’

Isa sa nakakagulo sa isip ko ay iyon ugali natin na pag merong naging desisyon, saka parang lalong nag-iingay ang marami. Sa Anti-Terror bill, nang ma-approve hindi na huminto iyon mga kontra samantalang napakatagal na nitong pinag-uusapan hanggang naging batas.

Iyon issue ng renewal ng franchise ng ABS-CBN, bumoto na ang 70 majority, saka naman hayan at tambak ang mga kontra among the representatives.

Iyon bang nagdaragdag sa fire ng galit iyon among the leaders na we voted hindi sila nagkasundo sa binigay nilang desisyon. Parang lito ka tuloy, bakit nangyari ito, marami palang kontra, bakit hindi napigilan sa umpisa pa lang? Hindi ba madalas sinasabi natin, wala na, may nanalo na, uwian na.

Bakit hindi tinatanggap kung ano iyon kinalabasan ng anuman bagay na ginagawa ng mga kasamahan natin? Halimbawa, ok sa Senado, pag ok na dapat tahimik na iyon iba dahil may desisyon na. O kung ok na sa Congress dapat respeto na rin ng iba iyon na ok sa mga kasama nila. Pag ganyan na sila mismo ang nagkokontrahan sa resulta, ‘di ba they send the wrong signal sa tao?

Hindi ba dagdag iyon sa gulo? Dapat you decide as one, so we can heal as one. Ang gulo n’yo, kaya pati tao nagugulo.

vuukle comment

ANTI-TERROR BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with