^

Pang Movies

Richard Yap hindi na nagpaalam sa ABS-CBN

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang dami na namang naintriga nang umapir si Richard Yap sa Eat… Bulaga para maglaro ng Bawal Judgmental.

Walang network contract si Richard sa ABS-CBN 2, kaya nakakapag-guest siya sa ibang istasyon kagaya nitong sa Eat… Bulaga.

Kaya hindi naman daw kailangang ipagpaalam sa ABS-CBN 2.

Sa radio program namin sa DZRH, ang daming nagpapaabot na gusto nilang mapanood na naglalaro ng Bawal Judgmental sa Eat… Bulaga ang iba pang Kapamilya stars.

Eto na nga ang kinakarir ngayon ng mga taga-EB dahil na-perfect na nila ito sa bagong normal sa TV.

Marami pa silang pinaghahandaang mga bagong mapapanood sa Bawal Judgmental, at asahan nating ang mga maglalaro ay hindi pa raw natin napapanood sa GMA 7.

Isa sa nag-enjoy maglaro sa Bawal Judgmental ay ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres.

Sobrang maingat daw sa studio at talagang alaga raw sila nang husto para matiyak na safe silang lahat.

Kuwento ni Andrea nang nakapanayam ito sa YouTube channel ng Kapuso Girl, “Alam mong bago nila binuksan ulit yung mga trabaho para sa mga nasa Eat… Bulaga, inaral nila at inayos nila ang lahat. Okay naman dahil kahit kaunti lang yung mga taong nandoon, very fun pa rin, at mafi-feel mo pa rin yung energy nina Bossing kahit nasa bahay lang sila. Pero siyempre mami-miss mo pa rin yung audience, na meron ka pang ibang taong nakaka-interact, naririnig mo yung reaction nila sa jokes or sa mga ginagawa sa segment. Na-enjoy ko naman kasi mahilig din akong manood ng Bawal Judgmental with my parents every lunch time.”

Hindi lahat ng mga artista ngayon ay may trabaho kaya ang ibang nakakapanood ng Bawal Judgmental ay ipinaparating nilang type din nilang maglaro nito.

Drama series ng GMA, sa October pa magti-taping

Ang saya ng Kapuso stars na bahagi sa All-Out Sundays na bumalik na sa TV kahapon.

Makulay at ang saya ng opening number na si­nimulan nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Miguel Tanfelix, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Christian Bautista, Mark Bautista, at marami pa.

Nung nakatsikahan nga namin ang ilan sa kanila, parang nag-pilot daw sila uli sabi ni Rayver. Na-miss na raw talaga nila ang mag-perform sa studio nang live, pero kailangan daw talagang mag-ingat pa rin sila dahil sa pataas na ng pataas ang nag-positive sa COVID-19.

Sabi ni Rita Daniela, “Nakaka-miss po talaga sa studio eh. Pero dahil sa tumataas pa rin ang cases ng COVID, parang hindi po siya wise na lumabas muna,” pakli ni Rita.

 Ganundin si Ken Chan pero alam daw niyang mas mahalaga pa ring safe silang lahat.

Doon pa rin sa AOS na nagsimula kahapon, kinumusta nila ang buntis na si Aicelle Santos na aminado siyang medyo hirap siya sa pagbirit ngayon dahil sa napapabilis daw ang breathing niya.

Unti-unti nang nagbabalik ang mga new episodes ng ilang programa ng GMA 7. Pero ang latest na narinig namin, baka bandang October pa raw magbabalik sa taping ang kanilang drama series.

vuukle comment

RICHARD YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with