^

Pang Movies

Kathryn walang planong bumitiw!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Dalawang araw matapos ma-deny ang prangkisa ng ABS-CBN, patuloy pa ring nagdurugo ang puso ng Kapamilya stars na understandable naman dahil napakasakit naman talaga ng nangyari sa kanilang home network.

Sunud-sunod pa rin ang post ng mga ABS-CBN stars ng kanilang sama ng loob na nararamdaman at iisa nga ang kanilang sinasabi na walang salitang naaakma para ma-express nila ang sakit na kanilang nararamdaman ngayon.

Sa post ni Kathryn Bernardo, sumusumpa siya ng katapatan at pagmamahal sa ABS-CBN. “Ang dami mong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan. Ang daming sumubok sa ‘yo— nangmaliit at kumutya. Pero hindi ka sumuko. Nandito ka pa rin, patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa aming lahat. Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa ‘yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon ka muli. Magpakatatag ka. Kakayanin natin ‘to nang magkakasama. Mahal kita, ABS-CBN. Tandaan mo ‘yan,” ang post ni Kathryn.

Ang post na ito ng aktres ay pagkumpirma na rin na mananatili siyang Kapamilya sa kabila ng katakot-takot na balitang naglilipatan na raw sa GMA-7 ang mga Kapamilya stars.

Si Melai Cantiveros naman ay pinuri ang kanilang big bosses sa ABS-CBN. Nakaka-touch nga ang linya niyang binastos man daw ang kanyang mga boss ay nanatiling marangal ang mga ito. “Maraming Salamat po sa aming mga Bosses, na naging boses namin sa Pakikipaglaban sa pag-renew ng aming franchise ‘di kami magsasawa na magpasalamat sa inyo. Binastos man kayu nanatili kayung mabubuti at marangal .

“Ngayun ko naintindihan bakit kayu naging boss namin, naalala ko nung kapanalo namin sa PBB after namin manalo sabi ni Sir Gabby na di namin makakalimutan mag-asawa , “Jason Melai sabihin n’yu lang sa akin kung may problema kayu ha, ako bahala sa inyu ok? Enjoy kayu being Kapa­milya. Sobraaa, naramdaman agad namin nuon na Kapamilya kami at may-ari pa ng ABS ang kumausap sa amin na ganun, napatunayan ko na mabait tlaga mga Boss namin. So much respect po sa inyu , patuloy ang aming dasal at pananalig na mababalik natin itu. Mahal namin kayo,” ang post ni Melai.

Samantala, kinondena naman ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang mga bumoto ng “yes to deny ABS-CBN franchise renewal.” Matitindi rin ang mga binitawang pahayag ng senador sa kanyang Twitter account.

Tweet nga niya, “kasama ang lahat ng kapa­milya at kapuso at kapatid, galit tayo sa ginawa nila sa ABS-CBN. Itong hatol ng kamatayan para sa pinakamalaking estasyon sa bansa ay kamatayan din sa kabuhayan ng higit 11,000 nitong manggagawa at sa lahat ng mga tauhan nito at mga pamilya nila.”

Latest tweet niya kahapon, “Ano ang tawag sa mga opisyal ng pamahalaan at mga tagasuporta nito na bumoto upang tanggalin sa trabaho ang mahigit na 11,000 nating mga kababayan sa gitna ng pandemya, gutom at matinding krisis sa ekonomiya?”

Sumagot naman ang netizens ng “traydor,” “anti-Filipino,” “berdugo,” “tuta,” “puppet,” “pusong bato,” “makasarili” at kung anu-ano pang hindi magagandang salita.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with