_pang-masa
^
Bongga siya... Jinkee binili si Agot para gawing katulong?!
Jinkee

Bongga siya... Jinkee binili si Agot para gawing katulong?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 13, 2020 - 12:00am

Alam ni Agot Isidro na edited at troll ang gumawa ng meme ng report diumano ng 24 Oras  na “Jinkee Pacquiao binili si Agot Isidro para gawing katulong sa bahay” pero, nag-react pa rin siya via Twitter at ang sabi,”Pa fact check naman @24OrasGMA. Mga trolls nga naman” at tagged ang 24 Oras na mukha pa naman ni Vicky Morales ang nagre-report.

Nang i-call ang attention ni Agot na troll ang pinag-reakan niya, ang sagot nito, “I know. Putting them in their place.”

In fact, ang daming lumabas na memes dahil sa tweet ni Agot calling Jinkee Pacquiao insensitive dahil sa pagpo-post ng Hermes at Louis Vuitton bicycle.

Dahil sa latest post ni Agot, pinayuhan siya ng netizens na  ‘wag patol nang patol sa troll.

Mukhang hindi pa nakakarating kay Agot ang tsikang hindi binili ni Jinkee ang Hermes at LV bikes na pinost ni Jinkee.  Regalo raw ‘yun kina Jinkee ng kanilang ninong a few years ago pa. Hindi na rin kinorek ni Jinkee si Agot.

Frankie sinuportahan ang anak ng kongresistang nambastos sa ina

Hindi nagustuhan ng netizens ang tweet ni Frankie Pangilinan na “BRUH UR BRAVE AF GIVE EM HELL” na comment sa may Twitter handle na @marupokito (Kito Noel) na parang isinalang ang inang si Congw. Josephine Noel na ma-bash ng fans ng ABS-CBN. Na-tweet kasi nitong hindi bumoto ang mom niya sa franchise renewal ng Kapamilya Network, kaya ‘wag daw iboto sa next election ang nanay niya.

Hindi maganda ang reaction ng netizens kay Frankie at nadamay pa ang parents nitong sina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta. Isa sa comment, “Your reply shows a lot about your upbringing. When someone “what-if” you about rape, your Mom moved hell and grabbed connections in the govt to show how powerful you guys are. Now a son disrespecting his parent. You give him a shout-out. How the F were you raised?”

May nag-comment pa ng “Dapat pala maghanda handa na c Shawie sa ‘yo...pucha kung nagkataon n magkaiba kau ng pananaw gagawain mong impyerno buhay ng nanay mo! ang tindi mo gurl...” at “Ang lupit mo! Grabe ganyan ka pinalaki ni Kiko at Sharon masasabi ko lang...buti d kita naging anak.. kataon napkamalas ko...sana wag kng tularan ng mas nakakabata mong kapatid...or else pakamalas ni Sharon.”

Hindi napanindigan ni Kito Noel ang tweet sa kanyang ina, deactivated na ang Twitter account nito, pero na-bash na siya at kung anu-ano ang itinawag sa kanya. Tawagin ba namang “Fascist” ang sariling ina.

Rocco, pinalagyan ng 13 CCTV cameras ang bahay

Nag-iingat si Rocco Nacino sa lilipatan nilang bagong bahay, kaya pina­lagyan niya ng 13 CCTV surveillance cameras ang paligid sa isang subdivision sa Antipolo City.

Ang sabi, ang ginamit ni Rocco ay five-megapixel surveillance cameras para sa kanyang three-storey house. Pati siguro sa loob ng bahay, may CCTV din para mas siguradong safe ang aktor at ang kanyang pamilya.

Tuwang-tuwa si Rocco na finally, dumating ang in-order na cameras, na-install na, kaya mas malapit na talaga silang lumipat.

Binantayan ni Rocco ang pag-install ng cameras at paulit-ulit na sinabing excited ang Kapuso actor na isa sa cast ng Descendants of the Sun.

AGOT ISIDRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with