^

Pang Movies

Barbie gustong makatikim ng sampal ni Cherie Gil

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Dalawang Kapuso stars, sina Barbie Forteza at Chynna Ortaleza ang hindi nagdalawang-isip na mag-attend ng online acting masterclass ng seasoned actress na si Ms. Cherie Gil, sa first day pa lamang ng session.

Humanga nga ang netizens kina Barbie at Chynna dahil willing pa rin daw silang matuto sa kabila na ilang taon na rin sila sa industriya. 

Si Barbie, ang tagal na raw niyang gustong makasama sa isang teleserye si Ms. Cherie Gil, pero hindi pa siya nagkaroon ng chance.  Willing daw siyang matikman kung paano ang masampal ng number one kontrabida na labis niyang hinahangaan.

Bukod kina Barbie at Chynna, may ilan pang aspiring actors na gustong matuto sa masterclass mula kay Cherie.

Naka-schedule pa ang Zoom class ni Cherie sa July 14, 16 at 18, kung saan ibinabahagi ng mahusay na actress ang mga natutunan niyang acting methods sa loob ng 45 taon na niya sa show business.

Mga transman bumida sa Bawal Judgmental

First time ni Kapamilya actor Richard Yap, si Sir Chief ng Be Careful With My Heart, na mag-guest sa Bawal Judgmental segment ng Eat… Bulaga kahapon, July 11.

Everyday ay maraming natututunan ang televiewers sa mga topics na pinag-uusapan kasama ang celebrity guests. Diniscuss kahapon ng show ang tungkol sa mga transman (tomboy na gustong maging lalaki).  First time ito na ma-discuss on TV dahil ang madalas mapag-usapan ay mga transwoman. 

Isa sa naging contestant si Jesi na dating StarStruck member, na hindi mo na makikilala ngayon tulad nang sumali siya noon dahil tulad ng ibang contestants ay undergoing na siya ng hormone transition therapy.

Ang problema pa nila ay kung paano sila tatanggapin ng family nila. Isang  contestant, kung nanonood daw ang family niya, ngayon lamang nila malalaman na nag-a-undergo siya ng nasabing transition. 

Mayroon na rin ngayong Transman Pilipinas na itinatag para sa younger generation na gustong ma­ging transman. Maayos na naipaliwanag ng pitong contestants ang pinagdaraanan ng mga gustong maging transman.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with