^

Pang Movies

July 10, hindi na malilimutan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., hindi makakalimutan ng mamamayang Pilipino ang petsang May 5, 2020 at July 10, 2020 dahil ito ang petsang `pinatay’ ang karapatan ng milyung-milyong Pilipino na matunghayan nang libre ang news, impormasyon, aliw at higit sa lahat, ang serbisyo publiko na ibinibigay ng major radio and TV network, ang ABS-CBN.

May 5, 2020 nang ibaba ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kanilang cease and desist order para mapasara ang pangunahing TV network ng bansa na naging malaking balita hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Habang nakasarado ang operasyon ng free broadcast ng radio at telebisyon ng Kapamilya network ay dininig naman ang kaso ng franchise renewal ng network sa House Committee on Le­gislative Franchises sa loob ng 13 magkakahiwalay na araw.  At ang pinakahihintay-hintay na desisyon ng komite ay ibinaba nung July 10, 2020, araw ng Biyernes.  The decision was declined at siyang nagbigay ng tuldok sa muling pagbubukas ng ABS-CBN.

Simula sa katapusan ng buwang ito ng Hulyo ay wala nang kasigurahudan ang hanapbuhay ng mahigit 11,000 na empleyado ng TV network gayundin ng libong mga artista, directors, wri­ters, production and technical people at iba pang service providers ng kumpanya dahil kahit mabigat sa kalooban ng management ng kompanya ay kailangan na silang magtanggal at mag-let go ng kanilang mga Kapamilya sa kabila na wala silang tinanggal magmula noong pagsasara ng radio and TV broadcast noong gabi ng May 5, 2020.

Ang mahigit 11,000 employees ng ABS-CBN ay may mga pamilya na binubuhay at sinusuportahan at may mga obligasyon na dapat harapin.

Hindi madaling makahanap ng trabaho sa panahon ngayon na nahaharap ang bansa at buong mundo ng pandemya.  Maraming tao ang nagugutom at nawalan ng hanapbuhay.  Maraming kompanya at business establishments ang nagsara at magsasara pa. Bagsak ang ekonomiya ng bansa pero karagdagang problema ang kawalan ng hanapbuhay ng libu-libong pamilya ng Kapamilya network na tiyak na magugutom. 

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with