^

Pang Movies

Mga artista sa Kongreso, nag-No rin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Alam naming sooner or later, maba-block nga ang franchise renewal bid ng ABS-CBN, pero hindi namin akalain na papatayin ang bid sa committee level pa lamang. Hindi man lang iyon umabot sa plenaryo. Akala namin aabot man lang sa pagbasa sa plenaryo.

Nagulat din kami, dahil bukod kay Congresswo­man Vilma Santos, at kay Congressman Alfred Vargas na nag-inhibit dahil sinasabi nga niyang siya ay artista at nag-produce din ng content para sa ABS-CBN, ang iba pang mga artistang nasa Kongreso ay bumoto laban sa network. Kasama sa 70 bumoto laban sa ABS-CBN si Congressman Yul Servo Nieto, si Congressman Dan Fernandez, at si Congresswoman Precious Hipolito Castelo.

Pero konsensiya nila ang kanilang pinairal, marahil mayroon silang dahilan kung bakit bumoto sila laban sa franchise ng network.

Binigyan ang ABS-CBN ng 24 na oras para umapela sa naging desisyon ng committee, pero sa botong 70 laban sa 11, mukhang malabo na ngang umapela sila. Hindi lang 10 o 20 ang kailangang magpalit ng kanilang isip. Kailangan magpalit ng isip ang 36, para makuha ang majority na 47 votes. Halos imposible na iyon.

Ang masakit lang para sa ABS-CBN, hindi na sila makakaapela kahit na kanino, dahil ang pagbibigay ng legislative franchise ay sole prerogative ng Kongreso, at iyan ay nakasalalay talaga sa mababang kapulungan. Kung diyan pa lamang sa Kamara ay barado ka na, saan ka pa tatakbo?

May nagsasabing marahil, kung iyan ay nakalusot sa plenaryo sa mababang kapulungan, mabilis na makakalusot iyan sa senado dahil mukhang mas maraming senador ang pabor sa ABS-CBN.

Kaso nga hindi na nakalusot. Bumoto rin laban sa network si Congressman Strike Revilla, na kapatid ni Senador Bong Revilla. At isa sa mga dumikdik sa kanila ay si Congressman Boying Remulla na kapatid ng da­ting ABS-CBN reporter na si Gilbert Remulla.

Naniniwala kami na kailangan nila ang isang mahusay na PR at legislative liaison. Kung hindi papaano pa sila makakalusot after two years?

James walang matatakbuhan

Ang kawawa si James Reid. Kung kailan siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, at saka nagkaroon ng lockdown. Tapos ngayon wala na ring franchise ang network.

Ni hindi nakatikim si James kahit na one day taping ng sinasabing series na gagawin sana niya.

Saan ngayon tatakbo si James Reid? Baka hindi na siya makabalik sa GMA 7. Lulusot naman kaya siya at maging interesado sa kanya ang TV5?

O baka dahil food ambassador naman siya ngayon, isama na lang siya sa isang farming program sa PTV 4.

Iyan ang isang example ng hindi inaasahan pero mali palang diskarte sa career.

Kung hindi niya binulabog ang kanyang career, sana may matatakbuhan pa siya kahit papaano.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with