^

Pang Movies

Vice nawindang sa pagpatay sa franchise!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nasa solidarity caravan ng ABS-CBN si Vice Ganda nang lumabas ang denial ng Congress para sa franchise renewal ng network noong nakaraang Biyernes, July 10.

Nakiisa si Vice Ganda para sa nasabing event para suportahan ang kanyang home network sa paghiling ng pagpasa sa franchise renewal na dedesisyunan nang araw na iyon.

Habang nagtitipon-tipon sila sa labas ng ABS-CBN compound ay lumabas ang desisyon ng denial kaya naman para silang pinagsakluban ng langit at lupa.

Sa sobrang windang ni Vice Ganda matapos malaman ang desisyon ay hindi agad siya nakasagot nang hingan ng pahayag ng ABS-CBN reporter na si Mario Dumaual nang oras din na ‘yun. “Kailangan ko lang prosesohin ang naramdaman ko, kasi ngayon ko lang nalaman yung desisyon. So, magulo pa yung nararamdaman ko. Hindi ko alam. Para akong nanginginig na hindi ko alam. Ang alam ko, malungkot na malungkot ako ngayon,” ani Vice.

Matapos kalmahin ang sarili ay nagbigay din siya ng kanyang reaksyon.

“Buhay natin to, eh. Buhay ko, buhay ninyo, buhay ng audience, buhay ng madlang people, buhay ng mga kapamilya, buhay ng mga Pilipino, buhay natin ‘to. Ang ABS-CBN.

“Ang ABS-CBN, ang serbisyong ibinigay niya ay naging mala­king bahagi ng araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Napakalaking bahagi. So, tungkol ito sa ating lahat.”

“Hindi ito tungkol sa mga taga-ABS, hindi ito tungkol lang sa artista, tungkol ito sa ating lahat. Tungkol ‘to sa buhay natin,” malungkot na saad ni Vice.

Nag-yes tinawag na ‘Brave 11’

Nakaukit na sa puso’t utak ng marami lalo na sa mga Kapamilya ang 70 kongresista na hindi pumabor para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN at ang 11 naman na pumabor na tinatawag ngayong “Brave 11.”

Lumabas agad sa social media ang kumpletong listahan at ibinahagi na nga ng Kapamilya stars at netizens sa kani-kanilang accounts.

Sumusumpa ang marami especially ang mga Kapamilyas na hindi nila iboboto ang 70 kongresista na ito sa susunod na halalan.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng Kapamilya sa “Brave 11” na matapang na nanindigan at sinunod ang kanilang konsensiya. Sa 11 na ito ay kabilang si Batangas City Representative Vilma Santos-Recto. Of course, nakasisiguro na sila ng boto mula sa mga Kapa­milya at supporters ng network.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with