Noel Cabangon may panawagan sa mga nanahimik sa franchise
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 11, 2020 - 12:00am

Ang matapang na panawagan ng singer-songwriter na si Noel Cabangon sa mga DDS na nagtatrabaho sa ABS-CBN na naka-post sa Facebook account nito at nire-repost ng mga nakakabasa.

Post ni Noel: “Kung may delicadeza pa kayong natitira, kayong mga adds na nagtatrabaho sa ABS-CBN at ‘di n’yo man lang maipagtanggol ang kumpanyang inyong pinapasukan. Di n’yo man lang mapanindigan ipaglaban ng lantaran, at di n’yo mabatikos ang mga humaharang sa pagre-renew ng prangkisa, gaya nang walang patumanggang pagbatikos n’yo sa mga dating taong gobyerno, ay dapat magsipag-RESIGN NA KAYO! Wala kayong karapatan na manatili dyan!”

Ang daming nag-agree sa post na ito ni Noel, pero may mga nag-comment din na sana pinangalanan na niya ang Kapamilya talents na kilalang DDS o supporters ni President Rodrigo Duterte para alam ng mga ito na sila ang kanyang pinatutungkulan at pinananawagan na mag-resign na sa network.

Ang netizens na tuloy ang nagpangalan kung sino sa paniniwala nila ang DDS na Kapamilya talents. Ano nga kaya, sundin kaya ng mga ito ang panawagan ni Noel?

Ang naalala namin, hindi si Noel ang unang nag-call ng attention sa mga DDS na Kapamilya talents. Ilang directors na rin at scriptwriters ang nag-post na magkaisa

sila at ‘wag nang kunin ang Kapamilya talents na DDS.

May mga umalma dahil hindi raw sila, kundi ang network o kung sinuman ang in-charge sa casting lang ang may karapatan kunin o hindi bigyan ng projects ang Kapamilya talents na kilalang DDS o supporters ni Pres. Duterte.

Ruffa mas maka-Jinkee

Hindi naman siguro ikakasama ng loob ni Agot Isidro ang “pak!” na reaction ni Ruffa Gutierrez sa sagot ng manager nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquaio sa pag-call out ni Agot sa pagpo-post ni Jinkee ng mamaha­ling gamit. Ang ibig sabihin ng sagot ni Ruffa ay nag-agree siya kay Arnold.

Saka, wala namang ibang comment si Ruffa   at hindi rin sila close friend ni Agot and she’s free to give comment. Nag-agree nga rin si IC Mendoza sa post ni Arnold. Ang karamihan sa nag-comment at nag-agree kay Arnold ay netizens na at nakakaaliw ang kanilang comment.

Wala pang reaction si Jinkee kay Agot, pero sa IG Story nito, nag-post ng galing sa Bible at highlighted nito ang “Do not judge others, and you will not be judged. For you will be treated as you treat others. The standard you use in judging is the standard by which you will be judged.”

Naalalang nag-tweet si Agot ng “marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?” tungkol sa branded na his and her bike nina Jinkee at Sen. Manny Pacquiao.

Chynna at Barbie, nag-aral ng acting kay Cherie

Dumalo ang Kapuso actresses na sina Chynna Ortaleza at Barbie Forteza sa online acting masterclass ng seasoned actress na si Cherie Gil noong July 7.

Na-share ni Chynna sa kanyang Instagram ang tungkol dito at nilagyan ng caption na, “So I joined Cherie Gil’s Masterclass! Day 1 done and the insights I learned are jewels of a lifetime. I love being an actor!”

NOEL CABANGON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with