Sharon mabilis nang magalit
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 11, 2020 - 12:00am

Baka dahil nga sa mga pent-up emotions na dala ng quarantine at lockdown kaya mataas ang anger factor sa mga panahong ito.

Maging ako ay hindi ko rin maintindihan ang mga comment ng mga basher kung minsan, puwede naman magkomento ng hindi kailangan gumamit ng pangit na salita or masyadong OA na kung minsan ay nagmumura pa.

Understandable din kung bakit ganun ang reaction ni Sharon sa mga bashers at maganda iyon sinabi ni Piolo Pascual, sobra na ang mga nagaganap sa paligid kaya huwag na tayong magkalat pa ng hatred, maging kalmante lang.

Siguro nga pati hangin sa paligid natin meron ng mga negative energy na ikinakalat, kaya madali na rin pumutok ang galit ng tao.

Cool lang tayo, huwag dagdagan ang problema.

Coronavirus binisita na rin ang mga taping?!

Kalat na kalat na sa showbiz na meron mga tinamaan ni coronavirus sa mga naka-lock-in taping.

Pinag-uusapan na kahit pala naka-lock-in hindi pa rin sigurado na magi­ging ligtas ka. Hindi ‘yun assurance na magiging free na kayo para hindi maabot ng virus. Patunay na kahit sundin mo pa ang mga health protocol, susceptible pa rin ang lahat sa bagsik ni COVID-19.

Siyempre hindi papayag ang production na kumalat ang balitang ito, dahil baka maging dahilan na mas lalong maghigpit ang DOH at IATF dahil nga parang patunay ito na kahit konting gathering of people lang malaking risk na para sa social distancing. At magiging dahilan din para mahinto ang mga taping dahil nga baka maging dahilan pa ng pagkalat ng virus.

Hindi na talaga biro ang damage ni corona, sobra-sobra na.

Online selling, bagong pinagkakakitaan ng OFWs

Sobra pala ang lakas ng online selling ng So Sure at IVI Met.

Humingi nga ako ng lotion pero wow for a while na out of stock pala kaya ngayon lang dumating iyon hiningi ko for you Salve.

Iyon So Sure dahil nga siguro mas kailangan ngayon ng mga senior kaya naman dahil nasa bahay lang sila all the time, hayun nauubos din ang stock, eh iyan ang gamit namin ni Cristy Fermin kaya sabi ko kay Mayette at Jeric padalhan ako.

Bongga pala ang sales nung quarantine dahil hindi nga lumalabas ang mga tao, dependent na lang sila sa online shopping.

Alam mo ba na ito ngayon ang trabaho ng maraming OFW na nawalan ng work sa abroad at cruise ship, ang magbenta online.

Ganyan din ang Beautederm ni Rhea Tan na talagang nadagdagan ang mga reseller dahil nga ito ang ginawang second career ng mga out of work.

Salamat naman sa malaking tulong nila sa ekonomiya.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with