^

Pang Movies

Dingdong pinasalamatan, pumanig sa Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Busy na nga uli ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kani-kanilang career. Nasilip namin ang IG Story ni Marian kung saan, nag-shoot siya ng TVC. Kapag hindi siya kinukunan, may suot na face shield ang aktres. Hindi nabanggit kung bagong endorsement ang TVC shoot o para sa mga endorsement niya ngayon.

Matatandaang kahit nasa GCQ ang bansa, dalawang endorsements ang ni-launch ni Marian at na-launch din ang bagong TVC ng Hana Shampoo.

Si Dingdong naman, nag-
taping na ng new episode ng Amazing Earth at ang nasabing episode ay mapapanood sa July 26. Fresh content ang mapapanood sa infotainment show at kasama rito ang exclusive interview ni Dingdong sa isang Pinoy student na nanatili sa Wuhan, China na naabutan ng lockdown noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Speaking of Dingdong, pinasalamatan si Dingdong ng Kapamilya fans dahil sa suporta na ibinigay ni Dingdong sa ABS-CBN. Nag-tweet  kasi si Dingdong ng “Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry. We have one love for the many talents and crafts under this Network, the products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos.”

Sarah puring-puri ng kapatid ni Matteo

Sa pag-i-stalk namin sa Instagram account ni Matteo Guidicelli at fan account nila ni Sarah Geronimo, napansin naming nakapaa lang at walang suot kahit tsinelas ang pamilya ni Matteo. Kahit noong gender reveal party ng sister ni Matteo, nakapaa silang lahat pati ang mom-to-be.

Kaya si Sarah, nakapaa na rin at kahit nasa kitchen sila ni Matteo at nagtulong na mag-prepare ng food para sa party, pareho silang nakapaa.

Sabagay, malinis ang sahig ng bahay, kaya kampante ang lahat na nakapaa lang sila. Naging tradisyon na yata nina Matteo na nakapaa lang sila kapag nasa bahay.

Ilang mayayamang pamilya na ang nakita naming nakapaa lang kapag nasa bahay nila at maganda sanang gayahin, siguraduhin n’yo lang na malinis ang sahig ng bahay n’yo.

Anyway, mukhang hindi lang si Matteo at ang parents niya ang nagmamahal kay Sarah pati ang siblings niya. Na-interview ang youngest bro-ther ni Matteo na si Paolo sa Magandang Buhay at nabanggit na “funny” si Sarah at “very generous,” “very caring and she cares about people.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with