^

Pang Movies

Michael Pacquiao nag-trending at pinuri-puri sa pagra-rap

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-trend sa Twitter worldwide ang anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Michael Pacquiao dahil sa pag-rap nito sa song na ang title ay Pac-Man.

Marami ang nagulat sa rapping skills ni Michael kaya naman maraming netizens ang nakatuwaan siyang pakinggan.

May ilang rap artists din ang nagsabi na parang professional rapper ang anak ni Pacman.

“When Manny Pacquiao punches fast but Michael Pacquiao can raps supa fast,” tweet ng isang netizen.

“Are you hearing this!? Michael Pacquiao, everyone. He’s not here to punch a person... he’s here to punch ‘em bars,” papuring tweet naman ng isa pang netizen na narinig sa rap ni Michael.

Si Michael ay 18-years old at ikalawang anak na lalake nila Manny at Jinkee Pacquiao.

Isa itong student athlete at member ng Brent International School Manila’s boys basketball team.

Hilig pala nitong kumanta at mapapakinggan ang mga ito sa kanyang YouTube channel.

Social media accounts ni Mark Herras, na-hack

Si Mark Herras ang latest celebrity na na-hack ang social media accounts.

Na-hack noong nakaraang June 7 ang kanyang Instagram at Facebook accounts.

Pinanghihinayangan ni Mark ay ang mga in-upload niyang dance videos na umani ng milyon-milyong likes. Naka-upload din sa kanyang IG ang mga photo nila ng fiancee na si Nicole Donesa.

Pinaalam naman ni Mark sa pamamagitan ng social media account ni Nicole ang tungkol sa pagkaka-hack ng kanyang Instagram at Facebook.

Huwag daw maniwala ang mga makakatanggap ng mensahe na nangangailangan siya ng pera. Hindi raw siya iyon dahil na-hack nga ang social media accounts niya.

“Hi, guys. Konting paalala lang po, beware, na-hack po ‘yung account ko sa Instagram ko, ‘yung @herrasmarkangeloofficial, at ‘yung Facebook account ko na Angelo Santos. Sa mga kaibigan ko, sa family, sa friends, at sa mga pina-follow ko at sa nagpa-follow sa akin, baka mayroon mag-message sa inyo or baka maghingi ng pera or what, hindi po ako ‘yun. Inuulit ko, hindi po ako ‘yun. Na-hack po ‘yung account ko, ‘yung Instagram ko, at ‘yung Facebook ko. Spread the word. Maraming maraming salamat po,” sey pa ni Mark sa kanyang IG video.

Gigi napikon sa akusasyong tinatago ang pagbubuntis

Napikon ang supermodel na si Gigi Hadid sa British Vogue dahil sa pag-post nito ng article na tinatago raw niya ang kanyang growing baby bump.

Dinadaan daw ni Hadid sa mga suot nitong damit ang pagtago sa lumalaki niyang tiyan.

Ayon sa tweet ng British Vogue:

“@GiGiHadid is yet to post a picture showing her baby bump, but her genius disguise gives an insight into her lockdown pregnancy.”

Heto ang sagot ni Gigi: “Disguise ...? I said in a baggy jumpsuit the front and side views are visually different stories—not that that was intentional or I was trying to hide anything. Will be proud and happy to share ‘insight’ when I feel like it, thanks.”

Sa ginawa naman niyang Instagram Live, sinagot naman ni Hadid ang tanong ng kanyang fans tungkol sa “disguising” issue na sinimulan ng British Vogue.

“This angle and the really baggy jumpsuit make for an optical illusion. From the side it’s a different story! For now I am proudly experiencing and sharing this time with my family and loved ones.”

In-announce officially ni Gigi last April 2020 na magkakaroon na sila ng baby ng boyfriend niyang si Zayn Malik. Balitang baby girl nga raw ang isisilang ni Gigi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with