^

Pang Movies

Movie ni Ritz sa Summer Filmfest, malabo pa ang kapalaran

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Movie ni Ritz sa Summer Filmfest, malabo pa ang kapalaran
Ritz

Bago nagka-lockdown, may pelikula pala sanang ipalalabas si Ritz Azul, which Regal Entertainment produced at dinirek ni Easy Ferrer.

Co-stars ni Ritz sina Joseph Marco at Miles Ocampo. Filmed partly in Japan, The Missing is a horror-psychological movie.

Disappointed man sa pagkakabalam ng showing ng The Missing na official entry sa kauna-unang Metro Manila Summer Film Festival, hindi naman mami-miss ang saya at excitement ni Ritz sa recent engagement niya sa kanyang long time and only boyfriend na si Allan Guwi, isang businessman.

Sana, huwag nating ma-miss ang kanilang kasal.

Pagkaudlot ng Love Life with Kris marami ang nanghinayang

Ano ba iyan at balitang hindi na naman matutuloy ang talk program na dapat iho-host ni Kris Aquino sa muling pagiging active ng TV5?

Hindi well explained kung bakit, ganunpaman, marami ang nanghihinayang at napurnada na naman ang sana’y pagbabalik-TV ni Kris.

On my end, I will not mind, if most of the topic na pag-uusapan sa kanyang show, na may pamagat sanang Love Life with Kris, will be about Kris’ lovelife.

Gusto ko pang mas malaman ang nakaraan nila ni Phillip Salvador, dad of her eldest, Joshua at Bimby (father, top cager James Yap).

Is it true na kahit ang kanyang Instagram account ay hindi na rin muna nag-e-exist?

Well, iba, Salve A., if you can afford not to work.

Sen. Bong gusto nang mag-trabaho sa TV

Hindi pa rin totally over ang nararamdamang lungkot ni Senator Bong Revilla, dala nang pagyao ng amang si former senator at action star Ramon Revilla Sr.

Yes, noong nakaraang buwan lang.

But back to work, ani Senator Bong, he misses na rin daw ang pagharap sa kamera, TV camera, that is.

May magandang programang pambata si Senator Bong na action ha, na ang kapareha niya ay ang bata at magandang si Sanya Lopez na mapapanood sa GMA.

Aga at pamilya sa beach house naglalagi

Ang ganda na naman ng dating ng bagong commercial for a fast food chain nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, plus their twins, Atasha at Andres.

Currently, nasa kanilang beach house sa Batangas ang mag-anak.

Aga may soon decide to keep himself busy again.

May kasalukuyang dalawang movie offer si Aga, both earmarked for the supposed upcoming 2020 Metro Manila Filmfest (MMFF).

Magkakaroon nga kaya ng MMFF 2020, Salve A.?

vuukle comment

RITZ AZUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with