Maritoni Fernandez
Maritoni Fernandez, nagpakasal uli
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - July 8, 2020 - 12:00am

Matapos mahiwalay sa kanyang businessman ex-husband na si Alexander Alvarez, ama ng Kapuso actress na si Lexi Fernandez, mu­ ling nagpakasal ang 51-year-old Filipina-British actress and entrepreneur na si Maritoni Fernandez sa negosyanteng si Mon Dayrit na may mga anak din sa kanyang unang misis.

Sina Maritoni at Mon ay ikinasal sa isang simpleng civil wedding ceremony kahapon, araw ng Martes, July 7, sa Parañaque City Hall.

Dalawa rin ang anak ni Maritoni sa kanyang previous marriage, sina Lexi at Liam Moynihan.

Si Maritoni ay isinilang at lumaki sa United Kingdom. Nang mag-relocate sila sa Pilipinas ay saka siya pumasok sa showbiz. Isa rin siyang (breast) cancer survivor.

Maritoni was devastated nang mapatay ang kanyang younger sister na si Aurora Moynihan in September 2016 na may kinalaman sa droga.

Bukod sa pagiging actress, si Maritoni ay isang matagumpay na negosyante.

Proud din ang actress-entrepreneur dahil nakapagtapos na sa college ang kanyang panganay na si Lexi. Nagtapos siya last year sa University of Asia and the Pacific in Ortigas Center ng Bachelor in Science degree in Child Development and Education.   

MARITONI FERNANDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with