Kris
Kris nagtatago muna?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 8, 2020 - 12:00am

Deactivated ang Instagram ni Kris Aquino at sari-sari ang reaction ng netizens na nagulat na biglang hindi na nila ma-access ang IG ni Kris. Nakalagay din sa IG ni Kris ang “No posts yet” at ang balita, may kinaalaman sa dapat sisimulang show ni Kris sa TV5.

Nasulat ni Lolit Solis na nagkaproblema ang show sana ni Kris sa TV5 at maayos daw na tinanggap ni Kris na baka hindi na matuloy ang Love Life with Kris na dapat, sa July 25 na ang pilot.

Sabi ng isang nakausap ni Kris, kaya siya nag-deactivate ng IG dahil baka hindi niya mapigilan ang emotion niya, kaya mabuting wala siyang access sa socmed.  “Andami-dami nang problema ng mga tao, ‘di na ako dapat dumagdag pa,” ang sabi raw nito.

Ang maganda lang, tuloy pa rin ang pag-uusap ng mga taong involved sa show, kaya hintayin na lang natin ang mga susunod na balita.

Hindi lang sa Sagada… grupo ni Piolo tinanggihan din sa Banaue!

Hindi lang si director Erik Matti ang nag-react sa pagpunta nina director Joyce Bernal at Piolo Pascual sa Sagada para mag-shoot na gagamitin sa SONA ni President Rodrigo Duterte. Isa rin sa mga nag-react si director Jay Altarejos at mas matapang ang pahayag nito kesa pahayag ni direk Erik.

Comment ni direk Jay sa Facebook: “Habang hinuhusgahan ang ABS-CBN sa Kongreso, ang isa sa prime artists nila, si Piolo Pascual, ay gustong mag-shooting kasama si Joyce Bernal sa Sagada para sa SONA ni Duterte. Ang t*e ng mga hayup!”

Pinost din ni direk Jay ang old interview kay Piolo kung saan inaming suportado niya si Pres. Duterte. Sa nasabing interview, nabanggit ni Piolo na tuwing pupunta siya sa Davao, pinipilit niyang ma-meet ang pangulo. Hindi lang daw siya pinayagang mag-endorse openly, pero maka-Digong siya.

May mga nagpahayag ng disappointment kay Piolo, pero para kay Alessandra de Rossi, iba ang rason kung bakit sumama si Piolo kay direk Joyce sa Sagada.

Sa nag-comment na sana hindi tinanggap ni Piolo ang offer ng gobyerno.

“I don’t think it’s true. Walang offer, walang work. May properties siya doon. No politics involved. It’s that feeling of going HOME and taking care of things na napabayaan during the lockdown. No hate, promise. I just know what I know lang din” at sinundan ng “Oh...Kung alam n’yo lang ang totoo. Mahihiya kayo sa mga pinagsasabi n’yo,” na address sa bashers ng aktor.

May tweet pa si Alex na “He has a bigger project. Not related to politics, but to show the beauty of the Philippines. Sayang. But time will come pag pwede na I-shoot ‘yun. Nakakapag-shooting na nga yung iba eh! Ito, bundok lang kukunan niya.”

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with