Dingdong nabaliw sa ginawa ni Marian
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 8, 2020 - 12:00am

Nabaliw sa sarap si Dingdong Dantes sa ginawang mini-Pavlova na espesyal na gawa ni Marian Rivera para sa anak niyang si Zia.

Ang Pavlova ay isang meringue-based dessert na ipinangalan sa Russian ballerina na si Anna Pavlova ayon sa Google.

Ayon pa dito, “It is a meringue dessert with a crisp crust and soft, light inside, usually topped with fruit and whipped cream.”

Champion na champion talaga si Yan, winner din ang kanyang desert, huh!

Ay, sa mga nakaka-miss kay Marian sa te­lebisyon, napapanood sa Heart of Asia channel sa GMA Affordabox ang award-winning niyang series na Amaya.

Wala pa ring kupas ang ganda ni Ma­rian ngayon dahil nang ginawa niya ang Kapuso series ay wala pa siyang asawa’t anak pero ganun pa rin ang hitsura niya ngayon!

Samantala, sumasailalim na sa training ang mga movie workers na tinutulungan ni Dingdong Dantes para maging bikers ng kanyang bagong delivery application.

Pati mga tamang suot na gagamitin nila ay inayos nang mabuti ni Dong para makaiwas sa COVID-19.

Paunang tulong niya ito sa movie workers na nawalan ng trabaho ngayong pandemya at dahil siya ang presidente ng bagong tatag na AKTOR, malaking tulong lalo ngayong walang katiyakan ang pagbabalik nila sa tapings at shootings.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with