Piolo
May ari-arian nga ba si Piolo sa Sagada?
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 8, 2020 - 12:00am

Ang nabalita lang, nagpunta si Piolo Pascual sa Sagada, kasama ang director na si Joyce Bernal.  May mga kasama pa raw silang escorts na pulis, dahil ang balak daw ay mag-shoot ng video na gagamitin diumano sa SONA ni Presidente Digong. Pero hindi raw iyon pinayagan ng LGU dahil mayroon silang sinusunod na protocol dahil sa pag-iingat na kumalat pa ang COVID-19.

Kaya kahit na may escort ka pang pulis, kahit na sabihin mong para sa SONA ‘yan ng presidente, kahit na sabihin mong si Piolo Pascual ka pa, kailangang sumunod ka muna sa kanilang quarantine rules kung hindi, umalis ka.

Noon naman daw sabihan sila na umalis na lang dahil hindi sila pinapayagan, sumunod naman daw sina Piolo.

Pero may ibang kuwentong lumalabas. Kaya naman daw nagpunta talaga sa Sagada si Piolo ay dahil may bahay siya roon. Mayroon siyang property na hindi niya nakikita simula noong magkaroon ng lockdown.

Ang palagay namin, nang malaman ni Piolo na may gagawing shoot para sa SONA ni presidente ang grupo nina Direk Joyce, nakisabay siya nang punta roon para makita nga rin ang property niya.

Naisip niya sigurong, ang dami talagang requirements. Kailangan mo ng travel pass, health certificate at magpa-COVID test sa panggagalingan mong lugar. May quarantine pa sa pupuntahan mo, at panibagong testing na naman sa lugar na pupuntahan mo.

Pero ayon sa mga kuwento, sumunod naman sina Piolo. Nang sabihan silang umalis, umalis naman sila agad kaya wala silang kailangang ipaliwanag.

Wala naman silang nilabag na batas talaga. Si­guro nagkaroon lang ng presumption na ok naman iyon dahil para nga sa SONA, binigyan pa sila ng police escort, ibig sabihin may coordination ang biyahe nila na usually naman ang chief of police ang nagbibigay ng travel pass, kaya tumuloy sila.  Noong tanggihan sila ng LGU, umalis na sila.  Eh ano pa ang problema?

Programa ni Angel, pinalalakas ang loob ng mga jeepney driver

Siguro ang layunin lang naman ni Angel Locsin sa kanyang bagong show, na napapanood na sa cable at sa internet, ay tawagin ang pansin ng gobyerno para sa kalagayan ng jeepney drivers na nawalan ng trabaho at namamalimos na lang.

Pero mukhang hindi nagustuhan ng ibang nitizens ang tema noon, dahil masyado raw kinakampihan ni Angel ang mga jeepney driver, papaano naman ang mga pasaherong kailangang magtiis sa mga bulok at mauusok na jeepney? Iyan ang dahilan kung bakit naiipit pa ang ope­rators and drivers ng jeepney, kasi ipinipilit pa nilang palabasin lahat, eh mayroon naman talagang hindi na dapat makita sa kalye.

Itinuwid naman ni Angel sa social media na hindi naman ganun ang kanyang intensiyon at alam din naman niya ang problema ng mga bulok na jeep. Kaso hindi iyan nasabi sa kanyang show.

Dapat siguro magkaroon siya ng isang show na ang makakausap naman niya ay ang mga pasaherong matagal ding nagtiis sa mga bulok na jeepney.

Hindi sapat na dahilan na iyon lamang ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga driver.

Ang transportation ay hindi lamang negosyo, serbisyo iyan. Kung bulok ba naman ang mga jeepney, na kung minsan kakabahan ka dahil hindi kumakagat agad ang preno. Dapat pa nga bang payagang lumabas ang mga ‘yan?

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with