^

Pang Movies

Yes or No?, franchise ng ABS-CBN hahatulan na ang kapalaran

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Yes or No?

Ito ang matinding inaabangan ng lahat ngayon sa magaganap na botohan sa Kamara anytime this week para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Kung magiging malupit ang kapalaran, tuluyan nang hihinto ang operasyon ng broadcasting service ng ABS-CBN na nagsimulang mag-operate noong 1953 sakaling manaig ang mas maraming “no” sa botohan.

Diumano nasa 70 milyong mga Pilipino ang tumututok sa ABS-CBN kada linggo para sa balita, impormasyon, at kasiyahan noong nagbo-broadcast pa ito kaya marami talaga ang malulungkot.

Pero kung masusungkit nila ang ‘yes,’ malaki ang chance na makabalik sila kung pipirmahan ni Pres. Duterte.

Samantala, nagtipon-tipon ang mga manggagawa at tagasuporta ng network sa broadcast compound sa Esguerra Avenue sa Quezon City sa loob ng tatlong raw para magsulat ng mga mensahe ng pagsuporta sa freedom wall na tinawag na RENEWall na nasa labas ng gate ng ABS-CBN. Ang iba ay nag-iwan pa ng mga bulaklak at lobo sa paligid, na pawang puno ng mga banderang may dekorasyong puso na may kulay na red, green, at blue (RGB), ang mga kulay ng kanilang logo.

Mayo 5 nang utusan ng National Telecommunications Commission ang ABS-CBN na itigil ang broadcast operations nito matapos ma-expire ang kanilang franchise habang last week naman ay panibagong cease and desist order ang natanggap nila para sa TV Plus at SKYdirect.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with