^

Pang Movies

Direk Erik umalma sa ginawa nila Piolo?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang reaction ni director Erik Matti sa balitang hindi pinapasok sa Sagada sina Piolo Pascual at director Joyce Bernal. Pinost pa ni direk Erik ang part ng balita na ang sabi, “So, Piolo Pascual and friends went to Sagada but were asked to leave. Rightly so. It was Piolo, Director Joyce Bernal, and his team including PNP/military escorts.

“Purpose: to shoot background views for D30 SONA” na kung saan, si Joyce ang napili uling magdirek.

Comment ni direk Erik: “I don’t want to cancel out colleagues in the industry. We have a very small film industry and we easily bump into each other either through work or social gatherings. I made a film with Piolo. I started as a director almost the same time as Joyce. Everyone is entitled to their own loyalties. Rather than judge their allegiances, I would really love to know their thought about why they are on the other side of what I think is right.”

Kilalang anti-Duterte si direk Erik at dahil si Joyce uli ang director ng SONA ni President Rodrigo Duterte, inisip na maka-Duterte si direk Joyce.

Jessy may bagong show sa GMA?!

Na-curious ang mga nakabasa sa post ni Jessy Mendiola na “Can’t wait for my new show to come out! Abangan.”

Kanya-kanyang hulaan kung anong show at kung saang network ang airing ng show ni Jessy dahil nang i-post niya ang tungkol dito, may hearing pa sa Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Hindi rin nakatulong na hindi sinasagot ni Jessy ang mga comment at pagtatanong kung anong show ang tinutukoy ni Jessy.

Maaalalang last year, nabalitang lilipat sa GMA-7 si Jessy at may show na raw sa Kapuso Network kung saan siya lalabas.

Pero hindi natuloy ang paglipat ni Jessy at itinanggi rin naman nito ang balita, hanggang sa namatay na lang ang balita at napanood uli siya sa isang teleserye sa ABS-CBN.

Anyway, kasi-celebrate pa lang nina Jessy at Luis ng kanilang 4th anniversary at kasunod noon ang tsikang buntis daw si Jessy. Pero dahil hindi umingay ang balitang ito, ang ibig sabihin, mali ang kuwento at gawa-gawa lang.

AiAi natuwa pa sa nagkalat na namatay na siya matapos pagbabarilin

Hindi nagalit si AiAi delas Alas sa netizen na nagpakalat ng balitang patay na siya dahil na-ambush at pinagbaba­ril daw sa loob ng kanyang sasakyan at dead on arrival sa hospital.

Pinost ni AiAi ang pinost ng netizen na may nakasulat na “Breaking News,” “Itinumba” at nilagyan ng “FAKE NEWS.”  

Sabi pa ng netizen, “We will miss you Miss Ai-Ai: (Rest in Peace Nakunan Po ng CCTV ang Buong Pangyayare Panoorin Po Ninyo Ang Video Footage).”

“Ito po ay fake news.. AKO AY BUHAY.. may kasabihan pag namamatay ka  daw sa balita or pag nanaginip kang patay ka na long life lalo... buti na lang maganda ko sa picture kung hindi magagalit ako haha,” reaction ni AiAi.

Nag-react din ang mga kaibigan ni AiAi sa showbiz at nag-agree si Gladys Reyes na mas hahaba pa ang buhay ni AiAi.

Isa rin sa nag-comment si Marian Rivera at nagpahayag na miss na niya si Ai Ai sa sinabing “Miss you Kambal!!” na sinagot ni AiAi ng “miss you more kambal ganda nung ginawa mo kay ate Zia mukhang ang sarap-sarap. Buhay pa ako kambal ‘wag ka iiyak, hehehe.”

vuukle comment

ERIK MATTI

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with