^

Pang Movies

Angelika at Mika, iniwan na ng ama!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Angelika at Mika, iniwan na ng ama!

Kung nagluluksa ngayon ang pamilya ng veteran actress na si Chanda Romero sa pagpanaw ng kanyang butihing ina sa COVID-19, nagdadalamhati rin ngayon ang pamilya ng magkapatid na Angelika at Mika de la Cruz dahil  sa pagyao ng kanilang amang si Ernie de la Cruz nitong nakaraang Sabado, July 4, matapos ang isang linggong confinement sa pagamutan.

Although matagal naming hindi nakita si Ernie until his death, tandang-tanda pa namin ang pagiging mabait at magiliw nito, gayundin naman ang misis nitong Italian-Austrian na si Angelika Egger-de la Cruz sa mga taong kanilang nakakasalamuha taga-showbiz man o hindi.

Si Angelika ang panganay sa kanilang magkakapatid at sa simula pa lamang ay obvious ang pagiging daddy’s girl ng singer-actress  hanggang sa siya’y magkaroon ng sariling pamilya.

Noong nagsisimula pa lamang si Angelika sa showbiz ay ang kanyang Daddy Ernie ang kanyang kasa-kasama sa kanyang showbiz commitments.  Napakaganda rin ng PR ng kanyang dad at hindi ito naging `stage father’ kahit kailan.

Palibhasa’y panganay at paboritong anak, sobrang naapektuhan ang singer-actress sa maagang pagpanaw ng kanyang ama na isang linggo ring na-confine sa pagamutan bago ito tuluyang namaalam.

It was in October 2010 nang sumakabilang-buhay ang younger brother ni Angelika na si Erward de la Cruz dahil sa isang vehicular accident at ngayon ay ang kanilang padre de familia naman ang nawala.

“Daddy you are my bestfriend, ang kakampi ko sa lahat. I’m heartbroken dahil iniwan mo `ko agad. I love you and miss you Dad. Mabuti kang tao na maraming natulungan. Pahinga ka na. Rest in peace Dad. Masaya ako para sa `yo at magkasama na kayo ni Edward. `till we meet again.  Mahal na mahal kita#daddy’s girl,” post ni Angelika sa kanyang Instagram account

Anne at Erwan, very hands-on na mga magulang

Fourth months old na ang baby ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie na isinilang sa Melbourne, Australia noong nakaraang March 2, 2020.

Since magbubukas na ang mga international flight, malamang na bumalik na ng Pilipinas ang mag-asawang Anne at Erwan kasama si Baby Dahlia.

Habang nasa Australia ay sobrang in-enjoy ng couple ang kanilang pagiging brand new and hands-on parents to Baby Dahlia dahil nasubaybayan nila ang mga new developments ng kanilang anak.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with