Jasmine kinontra ang akusasyong makakaliwa ang aktor
Jasmine
Jasmine kinontra ang akusasyong makakaliwa ang aktor
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

Nakatanggap agad ng banat ang pagtatag ni Dingdong Dantes ng grupong AKTOR mula sa isang netizen.

Isa sa members si Jasmine Curtis-Smith kaya naman nang may isang netizen na nagpahayag na baka suportahan nito ang mga leftist group, inalmahan ni Jas. “Ito ay grupo para sa mga aktor, ‘wag n’yo bahiran ng kung ano man pang pag-iisip.

“Ito ay para sa amin at sa aming trabaho sa industriya. Salamat po.”

Zia nakatanggap ng halaman

Niregaluhan nina Rocco Nacino at girlfriend na volleyball player na si Melissa Gohing ng isang house plant si Zia Dantes.

Bumisita ang dalawa sa tahanan nina Dingdong at Ma­rian (Rivera), eh may indoor plant business ang couple bilang pandagdag kita ngayong pandemya.

Nagpalasamat si Dong sa pagbisita ng co-star sa Descen­dants of the Sun at sa halaman na may common name na dumb cane o Dieffebachia.

Naniniwala naman sina Rocco at Melissa na may green thumb si Zia sa murang edad gaya ng ina niyang si Marian.

JASMINE CURTIS-SMITH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with