Self regulation ng mga pelikula, lumang isyu na
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

Ayon kay Congresswoman Vilma Santos, “Matagal nang pinag-uusapan sa industriya ang self regulation. Panahon pa nina Atty. Laxa, bata pa ako noon, naririnig ko na iyan. Noon ang sinasabi nila, kagaya sana sa US, na ang classification ng pelikula ay mula sa mga producer mismo. Noon kasi mayroon pa tayong Board of Censors. Pero kung tama ang natatandaan ko, umurong for a while sina Atty. Laxa dahil nauso naman ang bomba films noon na kailangan talagang mai-censor.

“Noong panahon ng bomba films, basta hindi bomba ang pelikula mo hindi na kikita. Sinasabi nga nila noon ang hindi lang bomba na kumikita kaming dalawa ni Nora (Aunor). Kaya maski sila naniwala na hindi pa tayo ready noon for self regulation.

“Tapos inilaban iyan nang inilaban, pati sina Tita Midz (Armida Siguion-Reyna) noong bandang huli na. Kaya nakuhaang PD 1986, inalis na ang censors, ang inilagay classification na, at may mga representative ang industriya sa MTRCB, kalahati,” ang mahabang pag-aalala ni Cong. Vi sa mga pangyayari sa self regulation and classification ng mga palabas sa pelikula sa bansa.

Dagdag pa niyang kuwento : “Ang plano unti-unting ilalagay ang mga taga-industriya, kasi nga ang gusto nila self regulation. Pero hindi umabot doon, kasi nagkaroon ng changes sa gobyerno.

“Kaya iyang hinihingi nilang self regulation, na sa opinion ko tama naman bilang isa ring artista, matagal na talagang pinag-aralan at hinihingi iyan, hindi lang masyadong umusad noong una,” sabi pa niya.

Pabor ba siya sa sinasabing pagkakahati ng mga artista sa panahong ito? “Kahit na sinasabi natin ideally magkaisa, it is healthy kung may magtayo naman ng iba. Kasi may iba’t ibang gustong mangyari eh. Hindi mo naman masasabing maire-represent mo lahat ng interest ng isang malaking grupo, at napakaraming artista ha. Marami na rin namang mga guilds na nahati, normal na iyon, basta in the end nagkakasundo sila para sa kabutihan ng mga manggagawa sa industriya. Kami naman sa kongreso, dahil ilan din naman kaming taga-showbusiness na nariyan, tutulong kami kung kailangan,” ang paglalahad pa niya sa kasalukuyang nagaganap na pagkakawatak-watak ng mga artista dahil sa iba’t ibang samahan sa kasalukuyan.

Ate Vi tinanggihan na ang pagganap na Mother Lily

Ano na nga pala ang nangyari roon sa planong film bio ni Mother Lily Monteverde? Hindi tinanggap ni Ate Vi ang nasabing proyekto dahil marami rin siyang trabaho at sa tingin niya malaki ang demands ng movie na hindi maaaring singit-singit lang sa schedule niya. Pero nakuha na nila si Judy Ann Santos para gumanap na batang Mother Lily.

Kaya lang siguro ang nakakapigil sa proyekto ay dahil masyado ngang malaki iyon, definitely mataas ang cost of production, at ano nga ba ang gagawin mo sa ngayon lalo na’t hindi pa nga sigurado kung kailan makakapagbukas ang mga sinehan.

Pero naniniwala pa rin kami na hindi dapat balewalain na lang ang ganyan kalaking pelikula dahil hindi ka makakakuha ng ganyang klase ng istorya araw-araw.

Bagama’t sa mga pangyayari sa kasalukuyan, malabo pa nga siguro itong makapag-umpisa.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with