Martin : ‘Incomplete ang Pilipinas ‘pag walang ABS-CBN’
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

Balitang sa Lunes (July 6) na magbobotohan ang 46 na kongresista kung papayagan bang ma­bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN. Kaya naman lahat ng Kapamilya ay praying for the best at nagsisipag-post sa social media ng kani-kanilang damdamin, panalangin at suporta sa network.

Sa post ni Martin Nievera sa kanyang Instagram account, hangad ng Concert King na mabigyan pa silang muli ng prangkisa para naman mabigyan daw ang network ng pagkakataon para maitama ang pagkakamali kung mayroon man.

“As we reach the end of this very painful hearing let me just share with you how affected I am. I am not a lawyer nor do I consider myself a smart man. But I am a Kapamil­ya. A proud Kapamilya.

“I just don’t understand how anyone could want ABS-CBN out of the picture completely and not give us a chance to correct our mistakes, right all our wrongs and continue to serve the Filipino people all over the world.

“Why would anyone want to stop us from doing what God intended us to do and that is to inform, inspire and entertain. We could help all those who unite this country by having us up and running. Who would want to stop us from doing good? Who would stop us from wanting to be better?

“If given a new franchise I believe we could prove ourselves worthy and we could show those who believe in us that we can be better and not repeat whatever mistakes we have made in the past.

“Who would want us to NOT have that chance to self improve and just cut us off? Why would anyone want that?” bahagi ng pahayag ni Martin.

Naniniwala rin ang singer na hindi kumpleto ang Pilipinas kung walang ABS-CBN.

“Again, I am not a smart man and I may not know all the facts, but I do know that the Philippines will be incomplete without ABS-CBN and anyone who just wants to pull the plug for whatever reasons is not thinking of the greater good.

“Why would you not want to complete our city of networks by giving ABS-CBN a new franchise? It’s like you took a beautiful picture of our country and deleted one of its well known beautiful historical sights.

“Please help us pray to keep ABS-CBN so we can prove ourselves worthy of this second chance. Please pray those who hold the key to our destiny will think of the greater good and make their decision without anger or spite. Let us continue to serve the Filipino people all over the world. We can do better. We can be better. We just need a chance to prove that we can,” pagtatapos ng Concert King.

Dalangin din ni Judy Ann Santos na bigyan pa ng pagkakataon ang ABS-CBN hindi lang para sa kanilang mga artista kundi sa libu-libong empleyado na mawawalan ng trabaho.

“Naniniwala po ako na ang bawat tao o kumpanya ay pwedeng mapagbigyan ng pangalawang pagkakataon, para maitama ang mga mali... tanging dasal na lang ang kinakapitan naming lahat.. hindi na para lang sa aming mga artista.. kundi para sa pamilya ng mga empleyadong nawalan ng trabaho... para sa mga nangangailangan ng mga impormasyon sa mga malalayong lugar.. para sa ekonomiya natin na patuloy ang pagbagsak dahil sa pandemya... Sana po, sa pagkakataong ito... mapairal natin ang puso at mga isip natin sa kasulukuyang pinagdadaanan natin... pare-pareho naman po tayong mga Pilipino... pareho tayong lahat ng pinagdadaanan.. bakit hindi po tayo magtulungan...??” ang post ni Juday.

Nanawagan naman si Liza Soberano sa mga kongresistang boboto na buksan ang mga puso at pakinggan ang kanilang boses. “To the congressmen and women who are tasked to decide upon our franchise renewal, please, open up your hearts and hear our voices. ABS-CBN has always and will always be in service of the filipino people,” tweet ni Liza.

Humingi rin siya ng tulong sa kanyang fans upang ipagdasal ang ABS-CBN at mga emple­yado.

“To all of my loving supporters, if it’s not too much to ask, and if ABS-CBN has ever positively impacted you in one way or another, I humbly ask that you please pray for the company and all of its employees,” tweet pa ni Liza.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with