Richard eeksena kina Yassi at Coco
Richard
Richard eeksena kina Yassi at Coco
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

So, Ateng Salve, naisulat mo na rin pala na kasama na si Richard Gutierrez sa FPJ’s Ang Probinsyano, huh! Yes, bukas nga ay mapapanood na ang mga eksena ni Richard sa series ni Coco Martin.

Actually, more than a week na ring naka-lock-in si Richard sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, pero inilihim nga muna ang pagpasok niya sa nasabing series.

Confidential daw at hayaan na mismong ang Dreamscape ng ABS-CBN ang mag-announce tungkol doon, kaya naman “My lips are sealed” ang sagot ko sa ‘yo, Ateng Salve, nang tanungin mo kung ano ‘yung bagong show ni Richard sa Kapamilya network nang mag-post ang misis niyang si Sarah Lahbati sa Instagram at sinabing, “We miss you @richardgutz! Excited for your new show.”

Siyempre nang sabihin sa akin ni Annabelle Rama ang tungkol sa pagpasok ni Richard sa FPJ’s Ang Probinsyano ay kabilin-bilinan nga na wala akong pagsasabihan. So, kailangang mag-behave ako kahit araw-araw tayong magkakuwentuhan. Hahaha!

Anyway, si Richard nga ang magiging ka-triangle nina Coco at Yassi Pressman sa series at siya si Lito Valmoria na kababata ni Alyana at pagseselosan nga ni Cardo sa kuwento.

Ang mga fan nga ni Richard, tuwang-tuwa nang maglabas ng teaser ang Dreamscape tungkol sa partisipasyon niya sa long running teleserye ng ABS-CBN.

Marami namang may Kapamilya Channel sa kanilang cable providers at ang mga wala, sa iWant app daw manonood.

May mga taga-abroad naman na nagme-message sa akin na manonood daw sila sa TFC (The Filipino Channel).

Naku, mabuti na lang at marami akong friends dito sa Los Angeles, California na may TFC at may TFC.tv app naman ako sa cellphone ko, kaya puwedeng-puwede kong mapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano, huh!

Naalala ko nga pala, Ateng Salve, last year ay nagkasama sa ABS-CBN Ball sina Richard at Coco at isa sa napag-usapan nila roon ay ang sana ay magkasama sila sa isang project at itong FPJ’s Ang Probinsyano na nga ang kasagutan doon.

Nabanggit nga pala ni Richard na excited siya and at the same time ay kinabahan noong first taping day niya. Pero sobrang bumilib daw siya sa mga kasama niya sa taping lalo na kay Coco na hindi lang artista sa nasabing series kundi direktor din! Ang pagpasok nga pala ng aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano ang simula ng bagong yugto ng primetime series ng Kapamilya Channel!

Isa pang Kapamilya series, balik-taping na rin

May isa pang series ang Kapamilya network na magbabalik-taping na next week. Kahapon daw ay nag-COVID-19 rapid testing na ang production staff and crew. May ibang mga artista rin daw na nakapag-rapid testing na rin at ang iba naman ay ngayon naka-schedule ang test.

Hindi sabay-sabay ang lock-in ng mga artista dahil may iba na bukas pa raw ang rapid testing at saka magla-lock-in.

Well, at least, may mga nagkakatrabaho pa rin ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, huh! So nice! ‘Yun na!

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with