^

Pang Movies

Maja nakaranas ng panic attack

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maja nakaranas ng panic attack
Maja

Matapos ang apat na buwang pananatili sa Palawan dahil sa Enhanced Community Quarantine, finally ay nakauwi na si Maja Salvador sa bahay nila nitong linggong ito.

Sa Palawan kasi siya inabutan ng lockdown with her boyfriend, Rambo Nuñez, kaya naman buhay-probinsiya ang drama niya nitong mga nakaraang buwan.

Siyempre ay masaya siya na nakauwi na siya at nakita ang pamilya pero aniya ay nag-enjoy din naman siya sa kanyang stay sa Palawan.

 “Na-enjoy ko ang Palawan, na-enjoy ko ang Puerto Princesa. ‘Yung ang sarap sa pakiramdam na ma-experience mo ‘yung buhay-probinsiya ulit,” sey ni Maja sa kanyang panayam sa Kapamilya Chat online.

 “Kasi, di ba, noong bata ako lumaki ako sa probinsiya, tapos ‘eto nu’ng na-lockdown kami sa Puerto Princesa, alam mo ‘yung chill lang, hindi mo kailangang magbihis, kasi wala ka naman ding pupuntahan, ‘di ba?

“Pero ‘yung anytime na gusto mo ng seafood, andiyan, dahil siyempre, malapit sa dagat, ‘yung ganyan. Parang ang chill lang lahat ng tao,” kwento pa ng aktres.

Habang nasa Palawan daw sila ay nag-organize ng drive si Rambo na #HomeButNotAlone na naging napakalaking tulong daw sa kanya para maka-cope up siya sa ECQ period.

 “Kasi di ba, biglaan, nag-lockdown, napaka-workaholic ko, tapos biglang boom! Wala, stay ka lang diyan sa bahay.

 “So, nun’g ginawa ‘yung drive na ‘yun, nagpaka-singer ako, siyempre, alam naman nila na sumasayaw din ako, tapos nagpaka-trainer din ako, alam mo ‘yung mga Zumba, mga workouts, ganyan, pag may mga live session, ‘yun ang ginagawa ko.

 “Kasi, hinahanap-hanap mo ‘yung pag-e-entertain, di ba? So, tayo, kahit na-lockdown tayo, gagawa’t gagawa tayo ng paraan para makapa-entertain sa Kapamilya,” she said.

Sa nangayayari ngayong pandemya sa bansa, aminado naman si Maja na talagang nagwo-worry rin siya sa future.

 “Na-experience ko ‘yung parang isang buong araw, nag-iisip ako kung ano ang mangyayari sa future, anon’g kailangan kong gawin, ‘yung parang nagpa-panic ako.

 “But then, siyempre, kinausap ko rin ‘yung sarili ko na ‘yun nga, I know God will always provide kahit ano’ng mangyari, ‘yung ganu’n. ‘Yung kailangan, ‘yung faith pa rin natin kay God, ‘yung matindi pa rin talaga ‘yung kapit mo kay God,” saad ng aktres.

Second account ni Alden sa IG, fake

Nakarating kay Alden Richards na may poser siya sa Instagram kaya naman inanunsyo niya sa kanyang official Instagram account na “fake news” daw na 2 ang kanyang IG accounts.

Ipinost ni Alden ang post ng poser na may handle name na alden_richards1992 na nagsasaad ng “hello guys this is my other account. Please spread this account to your friends. From now on I have two Instagram accounts. Have a blessed month of July.”

Nilagyan ito ni Alden ng tag “fake news.”

Ang official IG account ni Alden na matagal na niyang hawak ay ang “aldenrichards02” na kasalukuyan ay may 3.6M followers.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with