Mang Ramon naihatid na sa huling himlayan!
Mang Ramon naihatid na sa huling himlayan!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 3, 2020 - 12:00am

Para kay Sen. Bong Revilla, pinakamalaking legacy at pamana na iniwan sa kanya ng yumaong ama na si Don Ramon Revilla, Sr. ay ang agimat nito. “Daddy leaves behind a great legacy,” ani Sen. Bong sa kanyang eulogy para sa ama sa huling gabi ng lamay nito last Thursday night, “marami siyang pamanang iniwan sa larangan ng sining at sa larangan ng paglilingkod-bayan. Pero ang pinakamalaking iniwan niyang pamana, iniwan niya sa akin bilang anak niya, ipinamana niya sa akin ang kanyang agimat.” Hari ng Agimat ang bansag kay Mang Ramon dahil na rin sa mga ginampanan niyang karakter sa pelikula na parating nagtataglay ng agimat. Kaya nang nagtagal ay naging kantyawan na talaga sa showbiz na may taglay talaga siyang agimat.

Pagbibiro pa ni Sen. Bong, sinabihan nga raw niya ang ama na baka “agimat” sa chicks ‘yun ay hindi na raw niya kailangan pa’t ibigay na lang daw sa kapatid niyang si Strike Revilla.  Sa nasabing eulogy ay ginunita rin ni Sen. Bong ang panahong dumaan siya sa malaking pagsubok kung saan nga ay nakulong siya ng halos limang taon sa Camp Crame dahil sa kaso niyang plunder.

Na-acquit si Sen. Bong sa kanyang kaso noong 2018 at tuluyan nang nakalaya.“Kaya noong Dec 8, 2018, nang lumabas ang katotohanan, siya ang una kong pinuntahan. Gabi na ako dumating sa kanya but he was waiting for me. Niyakap ko siya at sabi ko, ‘daddy, I’m here for good,’” umiiyak pang kwento ni Sen. Bong.

Bilang kanyang huling mensahe sa kanyang ama, aniya, “daddy, walang anumang salita ang sasapat para ipahayag ang pagmamahal at pasasalamat namin sa inyo. For being there to give us strength in our times of despair and weakness, for inspiring us to be the best we can and for constantly guiding us to where we are today.” Kahapon, July 2, ay inihatid na si Don Ramon sa kanyang huling hantungan sa Angelus Eternal Garden sa Imus, Cavite kung saan din nakahimlay ang asawa nitong si Azucena Mortel-Bautista.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with