Nagtayo ng sariling samahan Dingdong Kontra sa new normal shooting guidelines ng FDCP
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 3, 2020 - 12:00am

Walang kaingay-ingay ang pagkakatatag ng panibagong samahan ng mga artista na tinatawag nilang Aktor.

Noon pa pang Mayo 30, 2020 binuo ang samahan, at Hulyo 1, 2020, inilabas nila ang kanilang kauna-unahang manifesto na pinamumunuan ni Dingdong Dantes.

Ang kanilang manifesto ay nagsasabing hindi nila pinapayagan ang pakikialam at control sa kanilang mga ideya at kakayahan sa paggawa ng pelikula.

Sinabi nilang bagama’t naniniwala sila sa pag-iingat dahil sa umiiral na pandemya, bukod pa nga sa mga kailangang pag-iingat para maiwasan ang mga aksidente sa set, tinututulan nila ang labis na paghihigpit na magbibigay ng limitasyon sa kanilang trabaho.

Tinukoy nila ang tinatawag nilang “mapanghimasok” na regulasyong inilabas at gustong ipatupad ng Film Development Council of the Philippines, “bagama’t ang ganoon ay wala sa kanilang mandato ayon sa batas na lumikha sa kanila”, sabi pa ng mga miyembro ng Aktor.

Iginiit nila na ang kailangan ay “konsulta, hindi dikta.” Ibig nilang sabihin, naniniwala silang dapat silang konsultahin kung ano ang nararapat na working conditions ng mga manggagawa sa pelikula, at hindi iyong basta ididikta na lang ang kanila ang dapat gawin.

May isa pang sektor na nagpahayag din ng pagtutol sa circular ng FDCP na nagsasabing ang sakop lang nila ay pelikula, at hindi ang kabuuan ng audio-visual arts kagaya ng pinalalabas nila.

Nauna rito, ang proposal ng FDCP ay tinutulan na rin ng Philippine Motion Picture Producers’ Association, at ng Directors’ Guild of the Philippines Inc., at ang gusto nilang ipatupad ay ang umano’y napagkasunduang inter-guild alliance working standards.

Sa ilalim ng circular ng FDCP, iniuutos pa nilang i-report sa kanila ang lahat ng pangyayaring may kinalaman hindi lamang sa paggawa ng pelikula kundi maging ang iba pang mga bagay kagaya ng playdate ng mga iyon na tuwirang tinutulan sa kasalukuyan ng mga manggagawa sa pelikula.

Affordabox nakakasagap ng 46 channels

Sinubukan namin ang bagong GMA Affordabox. Wala siyang ipinagkaiba sa ibang black boxes na naunang lumabas, maliban sa sinasabing may kapasidad siyang makasagap hanggang 46 na channels, depende sa inyong location. Marami kasing mahihinang digital broadcast na maaaring hindi umabot sa inyong lugar.

Isa pa, iyon ay may kakayahang mag-record ng mga show ng GMA, GMA News TT, at ang kanilang bagong channel na Heart of Asia, kasi sa mga iyon lamang nila kontrolado ang copyright.

Pero ang Affordabox ay may multimedia player. Ibig sabihin ang mga kuha ninyong pictures, videos o iba pang mga panooring nai-download ninyo, at nasa isang flashdrive ay maaaring isaksak sa Affordabox at mapapanood ninyo. Iyan ang wala sa mga naunang lumabas na black box.

Ang isa pa ngang ipinagmamalaki nito, ay P888 lamang ang presyo nito. Mas mura kaysa sa nauna, na ang bentahan ay P1,500. Tinatapatan nila ang mga hindi branded na mga digital receivers na nabibili ng halos ganoong halaga rin lang sa mga electronics shop sa Raon.

Ang advantage nila sa mga hindi branded, mayroon silang warranty na isang taon, bukod pa sa service warranty at may number sila ng customer service kung may reklamo kayo, na nasa kanilang kahon.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with