Hyun Bin tuloy ang dating sa âPinas pag nawala ang COVID
Hyun Bin
Hyun Bin tuloy ang dating sa ‘Pinas pag nawala ang COVID
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 3, 2020 - 12:00am

Pinost na ni Ben Chan ang TV Commercial ni Hyun Bin na nag-i-endorse ng Bench at kahit hindi pa ipinapakita ang mukha, alam na kung sino ang tinukoy ni Ben na “It’s the newly enlisted #GlobalBENCHsetter and he’s about to hit your feed real soon.”

Ang ganda ng TVC ni Hyun Bin, kaya pati celebrities, kinilig na naman gaya nina Anne Curtis, Karylle, Christine Babao, Sanya Lopez, Joyce Pring, Shaira Diaz, Thia Thomalla.

Nabanggit na ng Bench at ng Smart na kung normal na ang mundo at puwede ng mag-travel, dadalhin nila sa bansa si Hyun Bin.

Ibig sabihin, dalawang beses pupunta sa Pilipinas ang aktor at siguro naman, ma-a-accommodate ang lahat ng kanyang Pinoy fans.

Kris bumata sa bagong buhok

Ang ganda ng publicity photos ni Kris Aquino na inilabas para sa advance publicity ng kanyang Saturday talk show na Love Life with Kris na pilot sa July 25. Bumagay kay Kris ang bangs at comments ng nakakarami, mas bumata siya.

Intriguing ang comment ni Pokwang na “@krisaquino waaaa can’t wait!!! Congrats ganda...see you soon...” sa binanggit ni Kris na nag-request na siya ng reunion nila kasama si K Brosas.

Ang intindi namin sa sinabi ni Kris, ni-request niya sa production ng kanyang talk show na i-guest sina Pokwang at K Brosas at sa nabasa namin sa aming editor na si Salve Asis, nagpa-release na ng kanyang kotrata sa Star Magic si Pokwang kaya puwede na siyang mag-guest sa ibang network. Nauna nang nag-guest si Pokwang sa Eat...Bulaga.

Abangan natin kung sino pang Kapamilya stars ang maggi-guest sa show ni Kris dahil pinayagan na sila ng ABS-CBN na mag-guest sa ibang network.

Looking forward ang supporters ni Kris to see Kim Chiu, Erich Gonzales, Eric Santos, Jed Madela, Angel Locsin at iba pa niyang friends from Kapamilya Channel.

Glaiza hirap sa LDR

Long Distance Relationship sina Glaiza de Castro at ang Irish BF na si David Rainey dahil nakabalik na sa Ireland si David mula sa matagal din namang pagka-lockdown sa Baler, Quezon kasama si Glaiza at ang pamilya ng aktres.

Sa isang post sa Instagram, nabanggit ni Glaiza ang hirap na magkaroon ng ka-LDR dahil sa time difference.

Gumagawa raw sila ng paraan, creative at exciting ways para tuloy pa rin ang kanilang communication. “But one thing’s for sure; we put extra effort in this relationship and keep the faith, always.”

Habang hindi pa nagre-resume ang taping ng teleseryeng ginagawa nina Glaiza at Mike Tan at hindi pa nagla-live ang All-Out Sundays, inaaliw muna ni Glaiza ang kanyang supporters sa live stream kung saan napapanood siya nang libre na kumakanta. Minsan, solo siya at minsan may ka-collaboration.

HYUN BIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with