Marian kinumpara sa korean actress
Marian
Marian kinumpara sa korean actress
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 3, 2020 - 12:00am

Sold-out ang bagong collection ng flower arrangement ni Marian Rivera mula sa kanyang Floravida by Marian. “Thank you so much for all your support and positive feedback. Our dried bloom collection is now sold out,” caption ni Yan sa litrato niya sa Instagram habang hawak ang inayos na bulaklak.

Nakakatuwa naman ang pagpuri sa ganda ni Yan dahil ang isa niyang follower ay ihinahalintulad  siya sa gumanap sa Korean series na The World of Married Couple na si Dr. Ji Sun Woo, huh!

Of course kahit domesticated ngayon sa bahay dahil sa quarantine, may oras pa rin sa kanyang sarili si Yan upang alagaan ang kanyang byuti gamit ang Belo products, huh!

Vic sa bahay na rin nagsu-shoot ng commercial

Hindi sagabal ang pagiging senior citizen ni Vic Sotto upang hindi makapagtrabaho. Mula nang mag-resume ang live episodes ng Eat… Bulaga, tuloy pa rin siya sa hosting ng programa lalo na sa Bawal Judgmental segment ng noontime show.

At ang latest, sa bahay rin ginawa ni Bossing ang shoot niya ng TV commercials, huh! Ang asawang si Pauleen Luna ang nagpasilip sa kanyang Instagram stories ng setup ng shoot na limited ang staff and crew at may protective gear with matching social distancing!

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with