Shows abroad ng mga Pinoy singers sa 2021 na itutuloy
Lea
Shows abroad ng mga Pinoy singers sa 2021 na itutuloy
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 3, 2020 - 12:00am

Nag-announce na noong Wednesday (L.A. time) ang Amor Yu Productions sa Amerika ng bagong schedule ng mga naudlot nilang shows this year.

Sabi nila, “In compliance with emergency safety precautions due to COVID-19 pandemic, our concerts schedules have been moved to next year 2021. After fina­lizing the arrangements with the artists and the venue we are formally announcing our official schedules today.”

‘Yung Braver ni Moira sa Wilshire Ebell Theater kung saan guest si Ice Se­guerra na dapat noong March ay na-reschedule na ng September 18, 2020.

Ang show ni Lea Salonga na dapat noong April 10 sa Harrah’s Casino sa San Diego ay magiging October 2, 2021.

‘Yung The Voices of Marcelito three shows naman nila ni Marcelito Pomoy July 25, July 30 at August 8, 2021 na. 

So, puro next year na ang mga nabanggit na shows dahil malabo na talaga this year, huh!

Well, sana tuloy na tuloy na nga ang mga schedule na ‘yon next year! ‘Yun na!

Jinggoy todo ang pakikiramay kay Bong

Naku, Ateng Salve, ang sarap din talaga na napakaraming internet apps ngayon na talaga namang kahit magkakalayong lugar kayo ay napakadaling magkontakan na!

Kahit nasa Los Angeles, California ako, hindi naman ako nabo-bore dahil napakarami kong nakakatsikahang showbiz personalities and friends sa atin sa Philippines.

Just the other day, madali ko lang natawagan si Manay Lolit Solis sa pamamagitan ng Viber app, huh!

Hmph! Feeling ko puwede naman talagang makapag-Take It... Per Minute, Me Gano’n? online show si Manay Lolit sa pamamagitan ng Zoom app sa kanyang cellphone, pero gusto lang talaga niya na pumunta sa Obra Ni Nanay (location ng online show nila) para magkita-kita sila nina Tita Cristy Fermin at Mr. Fu at pati na rin ikaw Ateng Salve, kaya naman ang drama niya ay hindi siya makapag-Zoom sa kanyang cellphone, ‘noh?!

Anyway, naikuwento sa akin ni Manay Lolit na hindi na siya nakapunta sa lamay ng veteran actor na si Ramon Revilla, Sr. dahil in-advice-san siya mismo ni Senator Bong Revilla na huwag na lang magpunta dahil delikado sa isang diabetic na katulad niya na magpunta pa doon.

Gustung-gusto raw talaga ni Manay Lolit na pumunta doon, pero nag-behave na lang daw siya dahil naiintindihan naman daw ng pamilya Revilla (Bautista) ang hindi niya pagpunta doon. Siya nga pala, dahil sa Messenger app naman ng Facebook, natawagan din ako ni Bong noong Wednesday night para mapag-usapan ang favorite song ng kanyang yumaong ama na tinatanong ni Martin Nievera.

Ang Ramona pala na kinanta ni Jim Reeves ang favorite song ni Mang Ramon.

Nabanggit din ni Bong na gusto rin ng kanyang yumaong ama ang singer na si Frank Sinatra, kaya malamang na sa live telecast ng ASAP Natin ‘To sa Sunday ay kumanta ng isang song ng legendary Hollywood singer si Martin bilang tribute kay Mang Ramon. Oo nga pala, nang tawagan ako ni Bong, bigla niyang sinabi na may kakausap sa akin at ipinasa nga niya ang cellphone niya (na may Messenger app) sa isang katabi.“Kumusta ka na? Nasa L.A. ka pa ba? Ingat ka diyan, ha!” sabi ng kumausap sa akin na si former Senator Jinggoy Estrada pala.

Siyempre, best of friends sina Bong at Jinggoy kaya hindi nakapagtatakang nagpunta rin ang huli sa lamay ni Mang Ramon!

LEA SALONGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with