Kahit sinabing baby boy na Max hinuhulaang babae ang anak!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

Isa sa paghahanda ni Max Collins sa nalalapit niyang panganganak ang pagpapa- disinfect ng bahay nila ni Pancho Magno dahil sabi nito, “House fully disinfected and ready for bubs arrival. We aren’t quite done decorating just yet but I’m happy to know that our home is safe and ready for the little one.”

Nauna rito, ipinakita na rin ni Max ang inflatable swimming pool kung saan siya manganganak at ang ginagawang prenatal Pilates na paghahanda pa rin ng Kapuso actress sa pagluluwal ng baby.

Baby boy ang isisilang ni Max, pero may mga naniniwala pa ring baby girl ito dahil ang ganda-ganda niyang buntis. Puro nga “you’re so beautiful” ang nababasa naming comments sa photo niyang naka-white dress at kita ang malaking tiyan.

Migo nilantad ang pakikipag-live in

Hindi na hinintay pa ni Migo Adecer na ma-blind item na nakikipag-live in dahil siya na mismo ang nag-out sa kanyang sarili by posting his status sa Instagram.

Pinost ni Migo ang photo nila ng GF at sa kanyang caption, mababasa na live in sila ng GF bago ito bumalik sa lugar nito.

“Even though we can’t be together on your actual birthday at least we were able to spend most of February with one another! I don’t think I’ve ever been more happy than waking up next to you every morning & playing house with you. The whole time we were together allowed me to briefly forget that you and I are in an LDR. Although it was crushing to see you leave it also broadened my expectation of how our relationship will be once we can put this LD of ours in the rear-view mirror, and how badly I’m dreading for that day to come is immeasurable. But for now, I’m just happy to be able to be your partner and celebrate yet another birthday with you!!“

Mabuti na lang at walang official loveteam si Migo. Walang fans ng loveteam na magagalit sa kanya at aakusahan siyang manggagamit at kung anu-ano pang nakakasakit na pamba-bash sa kanya.

Na-partner na si Migo kay Bianca Umali sa Sahaya, kay Klea Pineda at ngayon, kapareha sina Barbie Forteza at Kate Valdez sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na hindi pa uli napapanood .

MAX COLLINS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with