^

Pang Movies

Raket ni Alden dumami kahit quarantine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Raket ni Alden dumami kahit quarantine
Alden

Very thankful si Pambansang Bae Alden Richards na sa kabila ng nararanasan nating COVID-19 pandemic, sunud-sunod pa rin ang trabaho niya ngayon.  Balik-Eat… Bulaga nga sila nina Bossing Vic Sotto (work from home), Maine Mendoza at nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, na kung minsan ay sinasamahan din sila nina Pia Guanio at Ryan Agoncillo, sunud-sunod din ang shoot niya para sa kanyang bagong endorsements. 

Taped na ang EB ng Thursday, Friday at Saturday, na itini-tape nila after ng live show, kaya kapag may araw na wala si Alden sa noontime show, ibig sabihin nag-shoot siya ng kanyang endorsement, na kasabay ng taping ng EB.

Isa-isa nang lumalabas ang mga photoshoots ni Alden ng TV Commercials (TVC), like ang bago niyang ComCee Vitamin C. 

May posts na rin ng shoot niya for his endorsement ng Head and Shoulders, na mukhang solo shoot na lamang sila ni Bea Alonzo para sa promo pero nai-shoot na nila sa Thailand ang TVC nito bago pa ang lockdown .

Inilabas na rin ng Boardwalk ang kanilang 2020 brochure na si Alden ang top endorser nila. 

Soon ang kanyang first wine endorsement, ang Embassy Whiskey. 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with