Mayor Vico pini-pressure sa lovelife
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

Wala pa ring girlfriend hanggang ngayon ang 31 years old millennial mayor ng Pasig City na si Vico Sotto, anak ng dalawang showbiz veterans na sina Vic Sotto at Coney Reyes.

Palibhasa’y most eligible bachelor si Vico, kung kani-kaninong personalidad na ito pilit na ini-link ngayon ng kanyang mga supporter.  Nariyan si Gretchen Ho.  Sumunod naman ang Kapamilya star na si Bea Alonzo at ang pinakabago ay ang magandang 28-year old mayor ng San Manuel, Tarlac na si Donya Tesoro.

Ang pagkaka-link ng dalagang mayor kay Mayor Vico Sotto ay nagsimula nang mag-guest si Donya sa popular segment ng Eat… Bulaga, ang Bawal Judgmental kung saan ay in-interview siya ng hosts na sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros kasama si Vic Sotto na nasa bahay lang.

Nagkataon namang wala pang boyfriend si Donya na pumasok sa pulitika at 21 bilang konsehal then vice mayor at ngayon ay mayor ng San Manuel, Tarlac.

Si Donya ay nag-aral ng elementary hanggang high school sa O.B. Montessori in Greenhills, San Juan, college sa Miriam College and took her master’s degree sa Ateneo de Manila kung saan din  graduate ng college si Vico at doon siya kumuha ng kanyang masteral degree in Public Administration.

Although ibang tao ang nagma-match kay Vico sa iba’t ibang babae, tahimik pa rin hanggang ngayon ang binata na mas focus sa kanyang trabaho bilang alkdalde ng Pasig.

Ryza dalawang pelikula ang nabitin sa pagbubuntis

Isang teleserye at dalawang pelikula ang hindi natapos dahil sa pandemya at pagbubuntis ng aktres na si Ryza Cenon who is now five months pregnant sa kanyang cinematographer boyfriend na si Miguel Cruz.

Although pansamantalang natigil ang taping ng A Soldier’s Heart dahil sa lockdown, muli itong nag-resume ng production recently pero tanggal na ang character ni Ryza  May dalawa rin siyang nasimulang bagong pelikula sa bakuran ng Viva Films, ang Sa Muli with Xian Lim at ang Kunwari Mahal Kita with Joseph Marco pero natigil ang shooting dahil nga sa pandemya. Pero unti-unti nang nagre-resume ang filming ng mga pelikula ng Viva pero dahil sa kalagayan ngayon ng actress ay pansamantala itong masi-shelve hanggang sa makapagsilang at handa na siyang bumalik muli sa camera.

Ang pelikulang Sa Muli ay pinamamahalaan ng ex-PBB housemate na si Fifth Solomon habang ang Kunwari Mahal Kita ay kasama rin sa pelikula ang nagbabalik na si Nathalie Hart na parehong produced ng Viva Films.

Dating contract artist ng GMA Artist Center si Ryza pagkatapos ng Starstruck. Lumipat naman siya sa Viva Artists Agency in 2017 at madalas mapanood sa mga programa ng Kapamilya Network na kanyang sinimulan sa FPJ’s Ang Probinsyano.   

VICO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with