Rachelle Ann
Rachelle Ann, tinatawagan pa ang nanay pag nasa grocery
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

Maayos naman daw ang kalagayan ni Rachelle Ann Go sa London kung saan kasama niya ang kanyang mister na si Martin Spies.

Kinuwento ni Rachelle na malungkot ang dating maingay at masayang lugar na London West End kung saan naroon ang theaters na nagtatanghal ng  malalaking musicals.

Ngayon ay sarado raw lahat ito at walang trabaho ang maraming theater actors na tulad niya. “It was my dream to play Fantine sa Les Miserables. Kaya ang laking tuwa ko noong makuha ko ang role after ko mag-audition. Nakapag-open naman kami ng production noong March, pero after three days biglang nagsara dahil sa COVID-19 pandemic.

“Nakakalungkot kasi maraming mga artist ang nawalan ng trabaho. Sarado lahat and we don’t know kung kelan ulit magbubukas.

“Pero lahat naman kami, we are praying na matapos na ang lahat ng ito and we can all go back sa stage to entertain many people. Especially now, kailangang mapasaya natin ang maraming tao,” sey ni Rachelle.

Habang walang trabaho sa theater, naging abala si Rachelle sa pagpapaganda ng bahay nila ng kanyang mister.

Noong December 2019 daw nila nabili ang bahay at noong February lang daw ito nakita ni Rachelle. Nagtulungan daw sila ni Martin sa pag-decorate ng kanilang bahay.

During quarantine ay natuto rin daw magluto si Rachelle. Kuwento niya na first time siyang nag-grocery sa London at hindi raw niya alam ang bibilhin niya. “I called my mom para humingi ng tulong kung ano ba ang gagamitin sa paggisa at kung paano lutuin ang ganitong ulam. Naging big help ang mommy ko every time na nagluluto ako.”

Rainier Castillo may baby na

Kahit ilang taon nang nagpahinga sa pag-aartista ang Starstruck 1 First Prince na si Rainier Castillo, ramdam naman ang presence nito sa social media.

Noong nakaraang June 27, pinost nito na nasa ospital ito kasama ang kanyang misis na manganganak na sa first baby nila.

Wala pang pino-post si Rainier na photo ng newborn baby niya, pero marami na ang nagpadala ng congratulatory messages sa kanya at sa kanyang misis. Hoping ang fans ni Rainier na makita na nila kung boy or girl ba ang panganay niya.

Aktibo ang Facebook account ni Rainier at doon niya pino-post ang mga negosyo na inaasikaso niya kasama ang kanyang misis.

Nitong tatlong buwan na quarantine, naging business nila ng kanyang misis  ang pagbebenta ng iba’t ibang meat products. Mga regular customers nga niya ay mga kapwa celebrities niya.

Nakilala si Rainier dahil sa kanyang “killer smile” sa kauna-unahang reality artista-search na StarStruck noong 2003. Si Mark Herras ang nakatalo kay Rainier sa title na Ultimate Male Survivor.

RACHELLE ANN GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with