Bong at Ramon
Mang Ramon hindi nakalimot bago nalagutan ng hininga
Vir Gonzales (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napakahirap kalimutan ng naging huling karanasan namin sa yumaong screen giant / action star at dating pulitiko na si Ramon Revilla Sr.

Noong June 26 magka-text kami ni Sen. Bong Revilla at malaki ang pasasalamat ko sa kanyang ama dahil pinadalhan kami ng ayuda bilang tulong sa pagdurusa na epekto ng COVID-19.

Kaya naman halos tumulo ang luha namin matapos mabasa ang pakikiramay ni Beth Oropesa sa pagpanaw ng dating senator.

Parang hindi ako makapaniwala na wala pang isang oras matapos sabihin sa amin ni Sen.Bong na nagpadala ng tulong ang butihin niyang ama sa amin, bigla-bigla ay namaalam na ito.

Hanggang sa huling sandali, hindi namin inasahan ang pagiging generous niya.

Marami pong salamat, Sen. Ramon. Sa July 2 nakatakda ang libing ni Mang Ramon.

Rita namumulot na rin ng pusa

Hindi naging matinding problema sa aktres na si Rita Avila ang pagkakaroon ng biglaang lockdown dahil sa perwisyong salot galing sa China na coronavirus.

Nakagawa kasi siya ng tatlong kuwento at nai-post ito sa kanyang social media accounts para mabasa ng mga kabataan.

Marami nang aklat na nai-publish si Rita.

May mga alaga rin siyang mga aso at pusa dahil mahilig din ang loving husband niyang si direk Eric Reyes sa pets. Minsan nga ay may nadaanan lamang siyang kuting sa kalye ay inuuwi niya ito sa bahay at inaalagaan.

Anyway, inilabas na rin niya ang part 8 ng The Animals at Frederick’s House.

GMA naglabas din ng digital box

Maraming mga bagong programa ang GMA 7 para sa selebrasyon ng kanilang 70th anniversary.

Bukod pa sa inilunsad nilang Affordabox na isang plug-and-play device. Kailangan lang daw itong ikabit sa analog TV at makakatanggap na ito ng digital television broadcast.

Maaari na rin umanong mapanood ang GMA, GMA News TV, at ang pinakabagong Kapuso channel na Heart of Asia sa mas malinaw na digital display sa Affordabox.

At ang halaga pala nito, P888.

Happy anniversary mga Kapuso.

Mowelfund nagbigay din ng tulong

Maraming salamat po sa Mowelfund sa padalang tulong. Malaking suporta ito sa parusang dinaranas ng members dahil sa pagbabawal magtrabaho at lumabas ng bahay ang mga senior citizen na katulad ko.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with