Vice
Vice nanghihingi ng suporta
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

Nakikiusap ang TV host/comedian na si Vice Ganda sa Kongreso na maawa naman sa mga empleyado ng ABS-CBN na maaaring mawalan ng trabaho, dahil nga hanggang ngayon ay hindi pa rin nare-renew ang prangkisa ng network.

Sa kanyang Twitter account last Monday, ibinahagi ni Vice Ganda ang video ng isang ABS-CBN employee na nagsasalita sa nakaraang hearing na ginanap sa Kongreso.

Sa nasabing video ay sinasabi ng empleyado na mababa ang morale ngayon ng mga manggagawa.

“Nananawagan kami sa inyo mga Kongresista. Pakinggan n’yo pa ang boses n’ya na punong-puno ng lungkot, pangamba at pagmamakaawa. Mahabag po kayo sa kapwa n’yo mga Pilipino. Magkakababayan po tayo. ‘Wag nating gipitin ang isa’t isa,” ang caption ni Vice Ganda.

Sa isa pa niyang tweet ay humihingi naman ng suporta si Vice Ganda mula sa kanyang mga tagahanga.

“Kailangan namin ang suporta ninyo mga Kapamilya. ‘Wag nating hayaang magdusa ang mga pamilya ng mga tuluyang mawawalan ng trabaho,” tweet ni Vice.

Gil nakipag-date online

Masaya si Gil Cuerva sa kanyang naging date sa GMA Artist Center online dating show na E-Date Mo Si Idol. Noong June 25, napili ni Gil ang isang Pinay mula sa California na si Yasmin na maka-bonding. Sa kanilang date, napag-usapan nila ang kanilang personal background, life story, at pati na rin ang pagharap sa COVID-19 pandemic.

Ngayong Huwebes (July 2), 8 p.m., ang Kapuso actress na si Bianca Umali naman ang celebrity searcher na sasalang sa E-Date Mo Si Idol.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with