Barbara at Romnick
Barbara kinahihiya ang relasyon kay Romnick?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

Humihingi ng privacy si Romnick Sarmenta tungkol sa kanyang lovelife, pero ang syota niya mismong si Barbara Ruaro ang siyang naglabas sa social media ng kuwento tungkol sa kanilang relasyon. May inilabas pa siyang picture na naghahalikan, pero dahil patagilid, hindi nga namin mawari kung silang dalawa ni Romnick ang naghahalikang iyon sa picture.

Minsan matatawa ka sa mga artista. Humi­hingi sila ng privacy, pero sila naman mismo ang naglalabas sa kanilang mga social media accounts ng kanilang mga kuwento. Ikakatuwiran nila “wall ko iyan,” oo nga account mo pero inilalabas mo sa publiko. Dahil doon nagi­ging public na nga iyan.

Hindi rin naman namin malaman kung ano pang privacy ang hinihingi nila kung aminado na naman silang totoong may relasyon na sila ngayon. May dapat ba silang ikahiya o itago sa kanilang relasyon? Kung wala naman, at inilalabas pa nga nila sa social media, ano pa iyong sinasabing karapatan nila sa privacy, inilantad na nga nila.

Kung sabagay, kahit na pareho naman silang artista, hindi naman sila ganoon kasikat ngayon.

Sky Cable at TV plus, damay na

Nadamay na sa usapan ang Sky Cable, at TV Plus, dahil sinasabi ng ilang kongresista, nagagamit iyon ng ABS-CBN para magpatuloy ng kanilang broadcast kahit na “expired” na ang kanilang franchise. Ang hindi nakikitang punto roon, expired ang broadcast franchise ng ABS-CBN, pero bilang isang “content producer” at “blocktimer” hindi nila kailangan ang franchise.

Ang valid lang na puntong nakita namin sa kanilang diskusyon ay iyong sinasabing ang ginagamit nilang frequency ay iyong Amcara Broadcasting Network. Pero ang punto, walang provisional permit ang Amcara para magkaroon ng digital broadcast sa Metro Manila.

Para sa hindi nakakaalam, ang AMCARA Broadcasting Network ay ang dating Ermita Electronics Corporation, na nabili naman ni Arcadio Carandang, na isa sa pioneers ng ABS-CBN. Iyang Amcara ay nakilala bilang ABS-CBN Sports Action, gamit ang Channel 23, DWAC-TV. Ang studio at transmitter ng Amcara ay nasa loob din ng ABS-CBN sa Sgt. Esguerra. Noon sinasabing iyan ay isang fully owned subsidiary ng ABS-CBN, pero ayon sa presidente ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak, isinauli na nila ang network sa mga may-ari noon, ang mga heir ni Arcadio Carandang. Sa ngayon sila ay “blocktimer” na lamang kaya nagagamit pa rin nila ang frequency ng Amcara.

Humaba lang nang humaba ang usapan, pero ang valid lang na punto, may provisional permit ba ang Amcara na mag-broadcast sa digital platform sa Metro Manila? Ang sagot ng NTC ay wala.

May mga UHF provincial station ang Amcara na affiliated sa ABS-CBN. Ibig sabihin ang inilalabas nila ay mga content mula sa ABS-CBN, ang ABS-CBN din ang kumukuha ng commercials para sa kanila, at nananagot sa istasyon. Kung ang mga iyan ay affiliate, hindi masasabing blocktimer lang ang ABS-CBN sa mga iyan, kasi technically sila ang nagpapatakbo ng istasyon.

Ang linawin nila ngayon, ano ang sakop ng franchise ng Amcara. Kung wala rin iyong provisional permit para sa digital broadcast, kahit na may franchise iyon bilang isang UHF channel, aba eh mali na nagba-blocktime sa kanila ang ABS-CBN.  (Wala pa po ang cease and desist order ng NTC nang sulatin ang artikulong ito. - Salve )

ROMNICK SARMENTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with