Sharon
Sharon pinagtanggol ang hitsura ni Frankie!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

Hindi raw kasi matinee idol ang tatay

Nagsalita na si Sharon Cuneta sa pagkukumpara ng ibang netizens sa physical looks ng magkapatid na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.

Nababasa ni Sharon ang madalas na pagkukumpara lalo na ng bashers ni Frankie sa physical beauty nila ng kanyang ate.

Sa mga nababasang comments, aware si Sharon na may mga gustong pag-awayin ang kanyang mga anak at inamin na na-o-offend kapag nakakabasa ng negative comments tungkol kay Frankie.

“It’s a stab in my heart. You don’t let siblings fight one another. Why are you so bad? Why are you doing that to my children? Wag n’yo silang pag-awayin. Wag n’yo silang siraan. Gumagawa kayo ng istorya. Na-o-offend ako for Frankie. Hindi man siya kasing ganda ng ate KC niya, natural hindi naman matinee idol ang tatay niya. Pero iba naman ang ganda niya,” pahayag ni Sharon.

Anyway, nanibago kami sa Instagram account ni Sharon, dumami ang post niya ng food, mga padala sa kanila at bilang pasasalamat, pino-post niya na may kasamang promo at kung paano makaka-order.

Show ni Kris, kasado na pati direktor

Mabilis kumalat ang title na Love Life With Kris na title ng talk show na gagawin ni Kris Aquino sa TV 5 o Cignal TV pati ang petsa ng premiere na sa July 25, 5 p.m. Sabado ang nasabing petsa at ibig sabihin, weekly ang talk show ni Kris at hindi daily.

Titingnan pa siguro ng Positive Exposure Productions na producer ng show ni Kris ang reaction ng viewers at saka nila pag-iisipan na gawin itong daily.

Daily show sana ang gusto ng loyal followers ni Kris, lalo at hindi muna napapanood sa free TV ang Magandang Buhay ng ABS-CBN, pero malay natin.

Ang ibang technical aspect ng talk show ni Kris, gaya kung live ba ito o pre-taped ay hindi pa nababanggit.  Sasagutin daw ito ni Kris pati kung sino ang director sa video na ilalabas bago ang pilot airing.

Dahil bawal pa ang presscon, sasagutin na lang ni Kris ang mga itinanong sa kanya ng press via video.

May nagbanggit na sa amin kung sino ang director ng talk show, pero i-off the record daw muna at hayaang si Kris na ang mag-announce.

Nagulat lang kami sa magdidirek kay Kris at curious kami kung siya lang ba ang pumili at kung bakit ang director na ito ang kanyang napili.

Iya, Marie kondo ni Drew

Nabasa namin ang birthday greetings ni Drew Arellano sa asawang si Iya Villania na malapit nang isilang ang pangatlo nilang anak.

Sabi ni Drew, “Happy birthday to the strongest and sexiest mama I know! O, the best multi-tasker too-one hand carrying two kids, the other scrat­ching the head out of frustration with my cleanliness! Love you Marie Kondo ng buhay ko.”

Speaking of Drew, starting today, four times a week nang mapapanood ang show niyang AHA. Every Wednesday to Friday, 8:25 a.m. ang airing nito sa GMA-7 at 8:15 a.m. naman pag Sunday.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with