Miriam hhutt muna sa mister
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

Isa si Miriam Quiambao sa mga showbiz personality na kahit nag-GCQ (general community quarantine) na ay hindi pa rin masyadong lumalabas.

Ang mister ni Miriam na si Ardy Roberto ay nag-post noong Monday na first time nilang nag-lunch date ng kanyang misis since the lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

‘Kaaliw nga si Miriam at ang kanyang mister dahil pina-practice nila ang social distancing rules for dining, kaya no HHUTT daw sila.

Ano ang HHUTT? Holding hands under the table! Hehehe!

Samantala, pinost din ng mister ni Miriam habang ginugupitan siya ng misis. Haircut #2 na raw ‘yon since the lockdown.

Nice!

TIPMMG marami ang gustong magpabati

Kung kayo sa Take It...Per Minute, Me Ganun, Ateng Salve, ay hindi nakapag-live ng online show nina Manay Lolit Solis, Tita Cristy Fermin at Mr. Fu dahil sa technical reasons kahapon ng tanghali, ang online show naman ni Ogie Alcasid na Mondays with Kuya O ay hindi rin umere noong isang araw dahil sa naka-Zoom ang singer/songwriter sa Congress para sa ABS-CBN franchise renewal.

Bale niri-represent kasi ni Ogie ang OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit). So ang Monday online show niya ay naging Tuesday.

Anyway, Ateng Salve, going back to Take It...Per Minute, Me Ganun, hiling ng online viewers n’yo na makapag-live na uli kayo sa Tuesday dahil ang dami pa namang gustong magpabati sa inyo. Nang um-attend nga ako sa isang pa-mass sa Corona, California, tsinika-tsika ako ni Rachel Cruz na taga-Los Angeles, California at gustong magpabati sa inyo dahil palagi raw siyang nanonood ng online show n’yo, huh! Ang bongga!

Anak ni Waray… naghahanda na sa taping

Naghahanda na rin daw ang GMA 7 sa balik-taping nila. Ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday raw ay kasama magre-resume ng taping.

Kaya panay-panay na ang online meeting nila. Sabi ng isang nakausap ko, malamang na third week of July na ang balik-taping nila with new protocols sa set. Inaayos lang daw mabuti ang mga kailangan para sa pagre-resume ng taping ng primetime show ng Kapuso network na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Dina Bonnevie at Snooky Serna.

GCQ MIRIAM QUIAMBAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with