KC
KC ‘di pa rin alam kung anong gustong gawin sa buhay?!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

Alam mo ba, Salve, na gandang-ganda ako sa mukha ni KC Concepcion sa kanyang shampoo commercial? Parang ang fresh fresh at ang ganda ng mga mata ni KC sa nasabing commercial kaya nakakahinayang na parang hindi nagamit nang husto ang talent niya sa showbiz.

Siguro nga kasi, baka hindi naman whole heart ang kagustuhan niyang pasukin ang showbiz.

Nakatapos ng pag-aaral, hindi kailangang pagurin ang sarili sa trabaho, kaya siguro nag-float along lang siya sa mga pangyayari.

Mukha ngang hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakatagpo ng trabahong gusto niya talaga at she was trying her hands on so many things para siguro madama na niya kung ano talaga ang gusto niya.

Modeling, jewelry making, hosting, acting, whatever, mayroong puwang o space para kay KC Concepcion.  Maganda, matalino, talented, basta nandiyan lang siya, waiting. 

Korean addict, matindi ang epekto sa imahinasyon

Iyon palang Korean civil unrest ay noon lang 1987 nangyari sa South Korea. ‘Yung parang witch hunting sa mga pinagbibintangang communist, kung saan maraming namatay na estudyante na naging active sa street rally bilang aktibista.

Dahil napanood ko na naman ‘yung movie tungkol dito, binabalik-balikan ko sa utak ko kung ano ang naging activities ko noong taong 1987, dahil parang kailan lang iyon noh!

Imagine, siguro mga aktibista sila Jo In-sung, Hyun Bin, Song Joong-ki noon, at bongga na nakikita mo lang sila sa streets ng South Korea na may dalang placards ’di bah!

Parang naisip ko na siguro meron ding mga naganap na romantic encounter sa mga street rally hah hah, at nabi-visualize ko na nandoon ka Salve, Rose at Vinia, nakikipag-flirt sa mga Korean oppa hah hah.  Kaloka talaga ang wild imagination ng isang 73-year-old Korean addict, lahat ng mapanood, mayroong imaginary scenes na involved siya, lalo na pag si Jo In-sung ang bida, feeling ko ako ang leading lady.

Hay naku, baka ito na ang side effect ng quarantine, sorry po, pagbigyan n’yo na, hah hah.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with