Gutierrez Family
Richard at Sarah tuloy ang grand wedding next year
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - June 30, 2020 - 12:00am

December 2019 nang mag-propose ang singer-composer na si TJ Monterde sa kanyang fiancée na si KZ Tandingan at agad nilang sinimulan ang paghahanda ng kanilang kasal na inabutan naman ng pandemya dahil sa COVID-19 kaya wala silang choice kundi iurong ito sa susunod na taon.

Bukod kina KC at TJ, baka maurong din ang kasal ng isa pang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce na gaganapin sa darating na Disyembre.

Malamang next year na rin mangyari ang grand wedding ng mag-asawa na ngayong sina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Jake pumirma sa Kapamilya

Si Jake Ejercito ang pinakabagong contract talent ng Star Magic ng ABS-CBN.

Bago pinasok ni Jake ang showbiz ay tinapos muna niya ang kanyang pag-aaral ng college sa London and took his masters sa isang unibersidad sa Singapore habang ini-enjoy niya ang kanyang pagiging single dad sa kanyang 8-year old daughter sa actress na si Andi Eigenmann na si Ellie (Adrianna Gabrielle).

Si Jake (30) ay isa sa siyam na anak ng dating Pangulo at dating Manila Mayor na si Joseph `Erap’ Estrada at isa sa tatlong anak nila ng dating actress na si Laarni Enriquez.

Assunta birthday gift ang turing sa magiging anak

Five months pregnant na si Assunta de Rossi sa magiging first baby nila ng kanyang businessman at dating politician husband na si Jules Ledesma.  Sixteen years ang binilang ng mag-asawa bago nabuntis ang actress who is turning 38 on July 19 kaya itinuring ng actress na advance birthday gift ang nasa kanyang sinapupunan na nakatakdang lumabas sometime in October this year.

Si Jules ay may dalawang anak sa namayapa nitong misis.

Bukod sa mag-asawang Jules at Assunta, excited din ang nakababata niyang kapatid na actress na si Alex (Alessandra de Rossi) dahil sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng pamangkin, gayundin ang parents nilang sina Luigi at Nenita Schiavone at dalawa pa nilang mga kapatid sa Italy.

Ecstatic ang mag-asawa dahil sa darating na Pasko at Bagong Taon ay may bago nang karagdagan sa kanilang pamilya.

KZ TANDINGAN TJ MONTERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with