^

Pang Movies

Pops at Martin, 34 years na sanang kasal

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pops at Martin, 34 years na sanang kasal
Pops at Martin

June 28, 1986  nang ikasal sina Pops Fernandez at Martin Nievera, kaya kahapon sana ang 34th wedding anniversary nila.

Ngayon, kahit hiwalay na ang dalawa, the best of friends naman sila.

Actually, kahapon ay pinost ni Pops sa kanyang Instagram account (@popsfernandezofficial) ang audio visual presentation o AVP na ginawa ng mga fan nila ni Martin. Caption ni Pops : “I woke up this morning and I was tagged in countless videos... oh its june 28!!! Hehehe.

“Thank you to all who still remember this day. Thank you for your support, love and understanding. Thank you that even with our imperfections, you still love us. You have witnessed us fall in love... fall apart... mend our wounds... and yes, grow up...

“It used to pain me to remember this day, but now it helps me realize all the blessings and wonderful memories I am thankful for...

“I thank you that it has helped me understand the many aspects of love... and that thru it all... life goes on with God’s grace and love...

“Now,sand i will always share this day with the ones who never forget... Happy June 28!!!! May this day bring a whole new meaning to love (salamat po sa lahat ng effort gumawa ng videos. Ang galing n’yo, so resourceful).”

Kahapon ay ka-chat ko rin ang Concert Queen sa pamamagitan ng Viber app. Sabi ko, “Ang bongga ng mga fan, naalala talaga nila ang special day na ito sa buhay n’yo ni Martin!”

“Oh, yes! Gulat ako paggising ko dahil ang dami kong tag. At nag-effort sila!” reaksyon ni Pops.

Actually, napakarami pa rin talagang mga fan ng tambalang Pops-Martin, kaya naman last year ay sobrang click ng concert tour nila sa Amerika at noong Feb­ruary nga, puno ang 7-night concert nila sa The Theater at Solaire.

Kung ang mga fan ng tambalan nila ay kinikilig sa kanilang dalawa kapag nagkakasama sila, ang mga malalapit naman sa kanila ay bilib sa friendship nila.

Hindi man naging forever ang kanlang marriage, ang friendship naman nila ay ibang level.

Actually, madalas ding nanonood si Pops ng online show ni Martin sa official Facebook account nito at gayundin naman ang huli sa una kapag nag-o-online show sa Facebook at YouTube.

Dalawa lang sina Pops at Martin sa ­ilang dating showbiz couples na nauwi man sa hiwalayan ang pagsasama ay naging mabuting magkaibigan naman!

So nice, dahil hindi na uso sa mga mag-e-ex ngayon ang nagbabangayan, huh!

Agree ka, Ateng Salve?

Eddie at Annabelle kuntento sa bahay

Dahil senior citizens na ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at hindi nga sila lumalabas ng bahay, may mga pagkakataon na ang mga anak at mga apo nila ang dumadalaw sa bahay nila sa White Plains, Quezon City.

Nang maka-text ko kahapon ang daughter-in-law nila na si Sarah Lahbati, ikinuwento niyang dadalaw siya kina Tito Eddie at Bisaya.

Kasama raw niya ang mga anak na sina Zion at Kai.

Siyempre, sobrang lapit ng dalawang bata sa kanilang lolo’t lola, kaya for sure, na-happy na naman kahapon ang mag-asawa!

‘Yun na!

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with