^

Pang Movies

Gabby, veggie juices ang pinagkakaabalahan

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Gabby, veggie juices ang pinagkakaabalahan
Gabby

Bukod sa pagluluto, mahilig din palang gumawa ng fresh veggie juice si Gabby Concepcion.

Kuwento sa akin ng talent manager na si The­rese Ramos (very close siya sa aktor), hindi pa raw siya nakakakain ng mga niluluto ni Gabby, pero ‘yung drinks daw na ginagawa ng aktor, nakainom na siya. “Iba’t ibang mga gulay na dyinu-juice niya, natikman ko na.

“May buco, may celery, mga dahon-dahon. Masarap at healthy!” sey ni Therese.

Mahilig daw mag-experiment ng veggie juice si Gabby, na ok naman daw dahil healthy nga!

Anyway, mukhang marami pang mga putaheng maluluto ang aktor, pati mga veggie juice na magagawa dahil balitang medyo matagal pa magre-resume ang taping ng First Yaya, ang bagong GMA-7 primetime series niya with Marian Rivera.

‘Yun na!

Endorsement campaigns, nagre-resume na rin

Kung ang FPJ’s Ang Probinsyano ng Kapamilya Channel ay nakapag-resume na ng taping, may ibang endorsement campaigns na rin pala na nakatakdang mag-shooting.

May isang celebrity nga na magsu-shoot ng skincare campaign bukas. So, noong Tuesday, nag-start na sila ng COVID-19 rapid testing.

Ang iba naman daw, ngayon ang rapid testing dahil requirement daw ‘yon sa lahat ng mga kasama sa nasabing skincare campaign shooting.

At take note, Ateng Salve, kung noon ay ang bongga ng mga ganoong shooting at napakara­ming staff and crew na kasama, ngayon daw, 15 lang ang allowed at kasama na ang celebrity.

Pero may glam team pa rin naman daw na kasama dahil importante nga ‘yon sa mga campaign shooting!

Lani Misalucha laging cancelled ang flight pa-Vegas

Noong nasa Las Vegas, Nevada ako last weekend, Ateng Salve, tinext ko ang mister ni Lani Misalucha, si Papa Noli (paboritong tawag sa kanya ng mga kakilala).

Kinumusta ko siya kung kailan sila uuwi ni Lani sa bahay nila sa Las Vegas?

Nandiyan pa rin kasi sa Philippines si Lani at ang kanyang mister.

Sabi ni Papa Noli, hindi raw sila makakuha ng magandang flight (noong una, ilang beses na-cancel ang flights nila dahil nga sa lockdown) kaya nag-decide nga raw sila na mag-stay na lang ng Philippines hanggang sa December.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with