^

Pang Movies

Martin ‘di pa rin makabiyahe sa Vegas

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Martin �di pa rin makabiyahe sa Vegas
Martin

Las Vegas: Now Open! Yes, Ateng Salve, open na nga uli ang hotels and casinos sa sinasabing “entertainment capital of the world,” ang Las Vegas, Nevada! Bago nga ang lockdown doon dahil sa COVID-19 pandemic, nagkaroon pa ng bagong tagline ang nasabing lugar – “What Happens Here, Only Happens Here.”

Anyway, dahil takot pa nga ako na sumakay ng plane dahil wala pa naman talagang vaccine sa nasabing virus, nag-long drive lang kami ng ilang mga kaibigan from Los Angeles, California papunta nga ng Las Vegas. Habang nasa daan kami, ka-text ko ang Concert King na si Martin Nievera. Madaling araw na sa atin, pero gising pa si Martin. Sabi niya, nami-miss na niya ang paglo-long drive kapag nasa Amerika.

Noon kasi, kapag may show siya sa L.A., naglo-long drive siya after pa-Las Vegas para dalawin ang bunsong anak na si Santino. Madalas din, from Las Vegas ay naglo-long drive lang sila pa-L.A. kung saan ay ipinapasyal niya palagi sa Disneyland ang bunsong anak.

Yes, ang Disneyland ang happiest place for Santino na gustong-gusto na ring madalaw uli ni Martin  sa Las Vegas.

Anyway, alam mo ba, Ateng Salve na halos back to normal na ang Las Vegas ngayon? Ang daming tao ha. Ang maganda, bawat hotel and casino, may libreng masks, gloves at hand sanitizers at ang dami-dami ng mga ‘yon, huh! Kailan kaya makakapag-show uli sa Las Vegas si Martin, pati ang ibang singers natin like Lani Misalucha (na ang bongga rin ng naging career sa lugar na ‘yon at may bahay rin siya roon)?

Oo nga pala, mapapanood uli si Martin today sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel at may special Father’s Day tribute sila sa show. Taped na ang episode na ‘yon ng ASAP Natin ‘To at sa July 5 na uli sila magla-live.  Sa tsikahan nga pala namin ni Martin, naikuwento ko rin sa kanya na tuwang-tuwa ang mga nakatsikahan kong TFC (The Filipino Channel) subscribers dahil napapanood na uli sila sa ere. Grabe rin kasi ang international cable channel ng ABS-CBN na napapanood sa napakaraming bansa at tinatangkilik talaga ng mga Pinoy.

Paggi-guest ni Pokwang sa EB, may ibang kuwento?!

Ang guesting ni Pokwang sa Bawal Judgmental segment ng Eat… Bulaga kahapon, kung saan pinag-uusapan ito! Taped na ang Eat Bulaga episode kahapon. Noong Wednesday pa nag-taping si Pokwang sa guesting niyang ‘yon sa noontime variety show ng GMA 7 na produced ng TAPE, Inc. Kilalang malapit si Pokwang kay Bossing Vic Sotto at ilang beses na nga silang nagkasama sa pelikula like sa Mission Unstapabol: The Don Identity na official entry sa Metro Manila Film Festival 2019.  Naka-chat ko rin kahapon si Pokwang at sinabi ko sa kanya na pinag-uusapan ang Eat Bulaga guesting niya kahapon. “Napakasaya lang Mare (paborito niyang tawag sa mga malalapit sa kanya)!” sabi ng komedyana. “Why ka raw nag-guest sa Eat Bulaga? Marami ang nagtatanong!” sey ko pa. “Ah, eh, naku, saka ko na sasagutin ‘yan. Hahahahaha! Friend ko naman mga ‘yan, ang EB Dabarkads. Hehehe!” ang tanging nasabi ni Pokwang. ‘Yun na!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with