^

Pang Movies

Maria Ozawa lumayas ng ‘Pinas

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Two months na raw ang LDR (Long Distance Relationship) ng bagong Kapuso artist na si Chef Jose Sarasola sa kanyang girlfriend, ang former adult film star, na si Maria Ozawa.

Noong first week of April pa raw lumipad pabalik ng Japan si Maria para makasama nito ang kanyang pamilya. Dahil sa naganap na quarantine, hindi raw muna makakabalik agad si Maria sa Pilipinas.

Kuwento ni Chef Jose: “She actually left for Japan in the first week of April to see her parents. So, LDR kami.

“She’s actually based here na po. She has a few businesses here in Manila. We don’t actual­ly live together yet pero nung nagkaroon ng GCQ I made her stay na rin in the house with my family. She has her own condo kasi sa Pasay area.

“I made her stay here muna. Enjoy naman siya dito with my parents. Bonding na rin kami every lunch and dinner, kwentuhan, afternoon drink with my parents.”

Inamin ni Chef Jose na pinagtalunan pa nila ni Maria ang paglipad nito for Japan noong April dahil sa nagaganap na COVID-19 pandemic. Pero napagkasunduan nila na mas okey daw na makasama ni Maria ang pamilya nito sa Japan.

“I allowed her to go back naman. I don’t know yet when she can come back kasi bawal pa ‘yung ibang foreigners pumasok,” sey ni Chef Jose.

Challenge daw kay Chef Jose ang LDR arrangement nila ni Maria.

“Medyo challenging now pero we still keep the communication. ‘Yun ‘yung key kapag LDR, as long as we video call every night, we call each other, update each other.

“It’s challenging, don’t get me wrong. She’s been gone for maybe almost two months now. It’s been a long time.”

Glee actress, sinusuka ng mga nakatrabaho

Sunud-sunod ang mga nagsasalita laban sa Glee star na si Lea Michele dahil sa pagiging racist at pagiging isang mean girl sa mga nakakatrabaho nito.

Sinimulan ito ng Glee co-star niya na si Samantha Ware na nagsabing ginawang “living hell” ni Lea ang pakikipagtrabaho sa kanya at sa ibang co-stars nila sa set dahil sa condescending diva attitude nito.

Kelan lang ay nagsalita na rin ang staff and crew ng show na American Idol dahil sa pinakitang disrespectful behavior ni Lea nang mag-promote ito ng kanyang Little Mermaid concert noong April 2019.

Ayon sa isang staff: “She was a nightmare on Idol! One contestant asked for a picture and she didn’t even say no. She just walked away.

“She was yelling at the audio team saying they didn’t understand her and that she can’t go on like this. She was just a diva.

“The contestants were so excited about her appearance and then she was a nightmare to everyone. She is truly just awful.”

Nagsalita na rin ang dalawang co-stars ni Lea sa Glee na sina Amber Riley at Alex Newell tungkol sa tunay na ugali nito.

Sey ni Riley: “I am not going to say that Lea Michele’s racist. That’s not what I’m saying. That was the assumption because of what’s going on right now in the world and it happened toward a black person.”

MARIA OZAWA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with